21

7 1 0
                                    

"Kailangan kong gumawa ng paraan, hindi pwedeng maghintay lang ako habang may nasa bingit ng kamatayan dahil sakin." Paikot ikot ako sa sala dalawang araw na pero wala parin akong natatanggap na text o tawag mula sa kumuha sa kanya.

" Kung ano man gagawin mong hakbang, kailangan natin magtulungan Aira." Sabi ni Chief Sanchez.

" Hindi na ako mapalagayKhen?" Agaw atensyon ang pagpasok ni Khen sa bahay halatang wala pang tulog.

" Chief, wala pa bang balita?" Tanong ni Khen

"Magpahinga ka muna,Khen." Sambit ni Chief Sanchez.

"Paano ako makakapagpahinga alam kong nasa peligro yung kapatid ko? Sabihin niyo nga!" Mas nakikita ko pagiging desperado ni Khen.

"Kumalma ka, hindi mo kami kalaban dito." Sabi ni Inspector Dela Cruz.

Umupo si Khen sa sulok habang nakalagay ang palad sa mukha sanhi ng frustration.

Gusto ko siyang lapitan, sabihing magiging okey din ang lahat pero 'di ko alam kung may mukha pa kong ihaharap sa kanya.

Naglakas loob akong lumapit.

"Sorry, kasalanan ko. Sorry Khen, kung alam ko lang sana hindi na ako umuwi. Sana sinabi ko agad." Pinipigilan kong pumatak yung luha ko pero wala kasalanan ko lahat ng ito.

" Sorry Khen, hindi ko sinasadya. Sorry, hindi ko alam paano mo 'ko mapapatawad tuwing dumadating ako sa buhay puro problema nalang binibigay ko sa'yo, Simula nung dumating ako sa buhay mo kapalit nun paghihirap mo. Matapos lang 'to, pag naligtas na natin si Kelsey, lalayo nalang ako. " Tumayo siya na ikagulat ko.

"Lalayo ka? Lalayo ka nanaman? Kaya kong harapin lahat, Aira basta kasama kita. Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo sa nangyari. Hinding-hindi ko pinagsisihang nakilala kita. Kung may pagsisihan man ako yung ang hayaan ka pang umalis" hindi ako makatingin sa kanya, sobrang nahihiya ako sa kanya.

Pero, inangat n'ya yung baba ko par makatingin ako sa knya

" Oo, umalis ako nung una pero pinagsisihan ko yun, narealize ko hindi ko pala kaya ng wala ka. Kaya please wag mo kong iiwan Aira."

" Kung ano man yung pagsubok na'to ipangako mong haharapin natin 'to ng magkasama. "

" Sorr—" napatigil ako nang yakapin niya ako

" Shhh. Malalapagsan natin 'tong magkasama. "

__________

Habang nag uusap sila sa plano biglang nag vibrate cellphone ko.

" Quezon Memorial Circle. 1pm"

" Huwag kang magsasama kung gusto mong maibalik ng buhay si Kelsey. Magsuot ka ng Black na Jacket at White pants"

Agad kong kinuha yung susi ng kotse ko, hindi nila ako napansing umakyat ng kwarto. Nagpalit ako ng Jacket na black at White pants gaya ng sinabi sa text.

Nang nakapagbihis na agad akong dumaan sa likod ng bahay at umalis dala dala yung bag na may lamang 1 Billion pesos

Habang nasa byahe, lakas ng tibok ng dibdib ko.

Sorry Khen, Kailangan kong gawin to para sa kapatid mo.

Ilang minuto nakarating narin ako pinark ko lang yung kotse ko at sinimulang mag lakad

"Andito na ako. Anong gagawin ko?" Agad kong text sa unknown number.

"Nakita mo ung bench na may bag na black sa ilalim umupo ka dun."

Agad kong sinunod yung sinabi sa text umupo ako sa bench. Muling nag vibrate cellphone ko.

" Kunin mo yung bag, ilagay mo sa loob lahat ng gamit mo cellphone. Yung pera ilagay mo sa ilalim ng upuan. Sa bulsa ng bag may panyo amoyin mo yun. Kami na ang bahala sa susunod mong gagawin. "

Agad kong sinunod muli yung inutos, Nilagay ko yung phone ko sa loob ng bag at nilagay sa ilalim 'yong pera. Kinuha ko 'yong panyo at tinitigan 'to.

"Sorry, Khen." Hanggang sa huling segundo nang amuyin 'yong panyo naalala ko 'yong mukha nya.

Maya-maya pa unti-unting nanlabo ang mga paningin ko at tuluyang dumilim.

Third Person's POV

" Nakikita mo 'to ipuputok ko sa ulo mo 'to pagsumuway ka ulit samin." Sambit nung lalaking nakamask ng itim habang nakatutok yung baril kay Kelsey.

Takot na takot si Kelsey, iyak ng iyak.

" Hello Boss, Andito po yung bata. Ano pong gusto niyong gawin ko dito? Sige po. Ingat po kayo." Sambit nito habang may kausap sa kanyang cellphone.

"Pakawalan niyo na po ako, Kuya.." pakiusap ni Kelsey pero hindi man lang siya tinignan ng lalaki.

__________

"Nawawala si Aira....."

_________

I don't know if cringe yung mga scene but I try my best to do this chapter, antok na rin and pagod so yeah thankyou guys for everything.

Love, Ms. Author

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Luna E StelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon