10

17 7 6
                                    

"Tita pwede ko po bang yayain si Aira? Nagpaalam narin ako kay Sir Jacob, Wala naman siyang Schedule ngayon. I promise tita walang mangyayaring masama kay Aira. " Napatingin ako kay Khen

So sakin hindi niya tatanungin kung papayag ako?

"Sige hijo ingatan mo ang anak ko." Ha? Asa pa ba kong hihindi si mama?

"Tara na?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi mo ko pagbibihisin muna?" Nag salubong kilay niya

"Hindi na, ano gusto mong ipalit gown?" Dahilan mabato ko siya ng remote na agad niyang nasalo.

Natawa nalang samin si mama. Habang tumatagal nagiging malapit na ko sa kanya. I found him special to me. A special child Hahaha.

Minsan masungit, minsan naman tawa ng tawa, minsan mapang asar? Bipolar ata 'tong lalaking 'to.

________

Sana naman wala ng mangyaring masama.

"Saan tayo pupunta?" Tinignan niya lang ako habang busy mag maneho.

"Oo sige nice talking ha!" Tingnan niyo sinong hindi mabwibwisit sa ganyang tao.

Maya-maya'y tumigil na ang sasakyan dahil sa traffic.

Ano pa nga bang aasahan natin? Nasa Pilipinas tayo.

May kumatok sa bintana ng kotse kaya ako napalingon.

Isang batang babae may dalang bulaklak.

Binababa ko ang bintana.

"Ate, bilhin niyo na po ang tinda ko. Wala pa po kasi akong benta simula kaninang umaga. Hindi parin po ako kumakain." Naawa ako sa kanya dahil bata palang siya at kailangan niya ng mag hanap buhay

"Magkano pa yan be?" Napalingon ako may kasama pala ako.

"50 po kada isa." Kumuha ako ng wallet.

"Ilan pa yan?" Tanong niya ulit kala mo bibilhin lahat.

"25 pcs po kuya pogi." Pogi ba yan?

"Eto bayad be." inabot ko ang 2000 pero inunahan ako ni Khen.

"Ito be, keep the change umuwi kana sa inyo ha. Ito teka—" inabot niya sa likod ng sasakyan ang paper bag.

"Iuwi mo narin ito sa inyo pagsalo saluhan niyo." Tuwang tuwa ang bata saka inabot kay Khen yung bulaklak.

" Salamat po ate ganda at kuya pogi. Salamat po talaga. Babye po." Pinagmasdan ko siyang umalis kasabay na rin ang pag usad ng trapiko.

"OH, Bulaklak mo." Napatingin ako sa kanya.

"Anong gagawin ko dyan?" Pagtataka ko?

"Try mong kainin mukhang masarap e." Hinampas ko siya ng bag.

" Hoy! Nagmamaneho ako pag ako namatay kasalanan mo!." Galit na sabi niya

"Patay agad?" Napangiti siya at tiningnan ko nalang yung bulaklak na nakapatong sa hita ko.

—————
Bumababa kami ng sasakyan

"Andito na tayo." Napatingin ako sa paligid.

Ang ganda kita ang buong manila at saktong palubog narin ang araw.

"Alam ko kasing mahilig ka sa mga ganitong tanawin hintayin natin mag gabi mas maganda dito pag ilaw sa bawat bahay sa ibaba, bituin at buwan nalang ang mag sisilbing ilaw."
Tumango ako nalang ako at inenjoy ang buong paligid.

"Khen?" Napalingon siya sakin.

"Ano yun?" Sasabihin ko ba o hindi ?

"Ano yun Aira?" Pag tatanong niya

"Kasi ano—" biglang tumunog ang cellphone niya.

Tinignan niya ito at parang naging balisa.

"Anong problema?" Tanong ko.

"Sorry Aira. kailangan na kitang iuwi sa inyo may emergency kasi."

Agad niya akong pinagbuksan ng pinto at saka pinaharurot ang kotse.

Pareho kaming walang imik habang nasa byahe.

Nang makarating sa bahay.

Bumababa ako agad.

"Sorry Aira. Pasabi nalang kay tita una na ko. Bawi ako sa susunod." Pagkasabi niya nun agad siyang umalis at ako nakatayo hawak hawak ang bulaklak.

___________

Author's Note:

Ano kayang sasabihin ni Aira? Bakit kaya umalis si Khen? Anong emergency at nasira ang date ng dalawa? Abangan sa susunod na chapter.

Luna E StelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon