OBDW 9

498 16 1
                                    

SHION's POV:

(After 3 days)

"Bruha bumaba ka nga r'yan!" Galit na galit na sigaw ni Kio.

Kanina pa siya sigaw nang sigaw. Labas na rin ang kaniyang litid sa leeg pero hindi ko siya sinusunod.

Nasa itaas ako ngayon ng punong mangga. Nasa sanga ako na mataba at p'wedeng upuan. Kumakain ng mangga na hilaw. Dinala ko pa ang kutsilyo para sa itaas na ako ng puno kumain kaysa sa bahay nila.

Ang dami kayang nakatingin. Malalagkit. Sinasabi na baka buntis si Ako. Kahit naman na totoo.

Gusto ko lang talaga mahalin ako ni Kio nang totoo.

Hindi ako manhid.

Sadyang hirap lang talaga ako na magtiwala.

'Yung ex ko kasi akala ko mahal talaga niya ako. 'Yun pala ginagamit lang ako. Hinihingian niya ako ng malaking halaga para ibigay sa tunay na minamahal niya.

Bruha raw kasi ako kaya hindi ako mahal.

Ang mga pangit na katulad ko... Hindi dapat daw sineseryoso.

'Mga ugok, 'di ba? Kung p'wede lang bang gawin 'yung sinasabi ni Kio na mamatay tao ako, sana noong una ginawa ko na. Pero hindi naman ako ganon. Amazona nga ako, pero mabait pa rin ng slight. '

"Shishi ano ba?! Bingi ka ba? Bakit ayaw mong bumaba?"

"Umakyat ka na lang kasi! Kaysa naman magsisigaw ka r'yan! Para kang tatay ko na papaluin ako kapag nasa ibaba na! " Sigaw ko rin sa kaniya pabalik na ikinailing niya.

Patingin-tingin pa siya sa kinaroroonan ko at pati sa pwesto niya.

"H-hindi ako marunong umakyat! Haist! Baba ka na kasi! May ipapakita ako!"

"Talaga ano 'yun?! " Tanong ko sa kaniya nang na-e-excite.

Bumaba na rin ako sa punong ito pero may pag-iingat.

Baka malaglag ang nabubuo pa lang na bata sa loob. Malapit na rin akong mag-isang buwan. Mga one week pa.

"Ano 'yun? Dalian mo at baka masapak kita." Tanong ko sa kaniya pagkalapit ko sa kaniya.

Mababa lang naman ang punong mangga na ito. Ewan ko lang kay Kio kung bakit takot na takot siyang umakyat.

'Bakla talaga.'

"Ito!"

"Aray!" Napaatras ako sa harapan niya nang batukan na naman niya ako sa ulo. "Brutal ka ah! Akala ko pa naman may maganda kang ibibigay! " Dagdag na saad ko pero sa tono ng aking boses ay nanghihinayang ako.

Ano ba pang aasahan kay Kio? Nawala na nga ang pagiging malamig na tao... Masungit pa rin kahit kailan.

Nagiging bayolente na ring asawa. Magiging battery wife na ba ako?

'Huh? Battery? Ano 'yun nauubos ang pasensya ng ilaw ng tahanan kaya kailangan ng baterya? Akala ko battered wife? Oo nga! '  Pati utak ko nakikipag-away na rin sa sarili.

Nagiging baliw na talaga ako. Sorry baby mukhang mapupunta tayo sa mental.

"Meron nga. I'm just kidding. Here!" May inilabas siya sa kaniyang bulsa ng pantalon na blue na may puting highlights at saka ipinakita sa akin.

Isang kwintas.

Kwintas na medyo familiar sa akin. Nakita ko na ba ito somewhere else?

Mahilig ako sa jewelries noon. Kaya palagi ako sa mga jewelry store. Baka nga ro'n.

Isang silver na kwintas. At may singsing na nakapalawit dito. Pero sa singsing na 'yon mayroon ding nakapalawit na mga letra. AKSC.

"May meaning ba ang mga 'yan?" Tanong ko habang tinuturo ang mga letra.

Billion Dollar Wife (Available On Finovel, Novelah And StoryOn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon