EPILOGUE

668 22 5
                                    

KIO's POV:

Masaya akong nakatingin sa babaeng naglalakad palapit sa aisle. Para siyang diyosa. . . diyosa nga lang ng mga dem*nyo.

Isang buwan pa ang aming inilagi bago mangyari ang kasal na ito. Ang tunay na kasal naming dalawa. Gusto niya muna raw makasama ang kakambal kahit ilang araw lang.

Hindi ko nga aakalain na magwawakas ako sa isang amazona na tulad niya. Isang amazona na tinatago pala ang tunay na ganda.

Pero isa na rin 'yung magandang dahilan para hindi ko mahalin ang ibang katauhan niya, minahal ko si Amira o Shion dahil sa ugali niyang pinapakita.

Hindi man siya sweet sa akin. Na ultimo ang good morning dapat na bati ay isang malakas na sampal ang bubungad sa akin tuwing umaga.

Tapos ang halik naman ay suntok.

Pati sa anak ay hindi man lang niya binibigyan ng kahit isang halik man lang din.

Napakadamot na asawa.

Pero magugulat ka na lang talaga kapag bigla na lang siyang gagawa ng hindi mo inaakala. 'Yun ang gusto ko sa kaniya.

Laging pa-surprise ang gusto.

Kahit dem*nyo pa 'yang babaeng 'yan. Siya ang pinaka-da-best na chief ng buhay naming pamilya.

Pati ang mga magulang ko at si Zeus ay pupunta lang tuwing may free time sa bahay para sa luto ni Shion.

'Haist! Perfect wife na talaga siya. Kahit napakabungangera at amazona. Husgera rin ang bruha.'

Pero ganon na lang ang gulat ko ng tumigil si Shion sa gitna. Pinanliitan niya ng mga tingin ang mga tao.

Ano na naman kaya ang pumapasok sa utak ng babaeng ito?

"PUNYETA MAMAYA! BAGO AKO IKASAL! MAY GUSTO BANG TUMUTOL SA KASAL NAMIN NI LAMPA?" Malakas na sigaw niya sa lahat ng mga umattend sa kasal namin.

Napuno talaga ang mga upuan. Ganon pa rin ang get-up namin. Sa park pa rin ginawa ang kasal namin.

Hindi man katulad noong unang nangyari na nagwawala siya dahil ako ang mapapangasawa niya.

Ngayon ay sumisigaw siya kung may tumututol ba sa kasal naming dalawa.

'Wala talagang hiya sa sarili. Panigurado na viral na naman ang babaeng ito.' Napahilot na lang ako sa sentido ko dahil sa pasakit ng babaeng ito.

Ni hindi man lang siya nagpasama sa ama niya na ilakad siya sa harapan ko. Ayaw niya raw gayahin ang mga kababaihan.

Gusto niya raw ay makabago naman.

'Bruha talaga kahit kailan.'

"Nagsisisi ka na ba na magpapakasal ka sa baliw na babaeng 'yan?" Bulong na tanong sa akin ni Amiro habang nakatingin sa kakambal na nagtatanong pa rin.

Hindi na lang kasi ipagpatuloy ang kaniyang paglalakad.

"I don't know too."

"Kami na ang bahala." Sabay-sabay na saad ng tatlo at naglakad na nga para pumunta sa direksyon ni Shion.

Parang naalala ko na naman ito 'a.

"Hey! Shion! Your groom is already waiting," pasimula nitong si Naver na nasa kaliwang bahagi ni Shion.

Natatabunan nila si Shion kaya hindi ko makita ang itsura ng babaeng ito. Siguro nagtataka at napapaisip na rin ito.

"Oo nga! Kaysa naman sumigaw ka nang sumigaw. Lumapit ka na lang sa asawa mo na kanina pa naiinip." Dagdag na rin na sabi ni Jrake.

Billion Dollar Wife (Available On Finovel, Novelah And StoryOn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon