SHION's POV:
"WHAT THE H*LL!"
"Hey wife. What's wrong?" Pilit na inaabot ni Kio ang kamay ko pero tinaasan ko siya ng aking kilay.
" Naiihi na ako. Kanina pa gustong magpalabas ng tubig ang pantog ko. Kaya samahan mo ako. Punyeta! " Inis na singhal ko sa lalaking ito at saka siya hinila paitaas. Nakisama na lang siya at hindi na lang nagsalita pa.
Nagtataka na ang lahat sa akin. Ang iba naman ay napapailing na. Pero binalingan ko lang si Amiro nang walang ekspresyong mukha.
Nagtataka siya sa naging asal ko sa mga oras na ito. Kaya pala sobrang laki nang pagkaayaw ko sa kaniya. Instinct really loves me.
"Kapag binenta mo 'yang arts na 'yan. Kalimutan mo ng may pinagsamahan tayo. I trust you, but you wasted all my trust. Huwag na huwag mong papakialaman ang gawa ng iba. Dahil hindi matutumbasan ng pera ang arts na 'yan. " Pambabanta ko sa lalaking ito na kaniya namang ikinagulat.
" A-Amara? " Napangisi naman ako nang makilala niya kung sino ako.
Ang Amara na hindi ko rin tunay na pangalan. Bakit? Sino ba kasi ang Shion Montavidad? Bakit sobrang dami ng tinatago niya?
'Dahil ayokong gamitin ang sariling pangalan na ibinigay sa akin. '
Pero ibinaling ko ang tingin ko kay Kio. Nagtataka siya sa akin at sa amin.
Kaso nginitian ko lang siya at hinila na ngang tuluyan palayo sa maraming tao. Ayoko ng maraming maabala pang tao. Masyado nang malaki ang kahihiyan ang nagawa ko. At pati si Kio ay nasasali ko sa mga nakaraan na hindi na dapat nanggugulo pa sa kasalukuyan ko.
'Pero sino ba naman ako? Kailangan kong harapin ang lahat, kaso hindi sa panahon na buntis ako.'
"Turn off the light infront of the MC, please Kio." Mahinang utos ko sa kaniya na ikinatango na lang niya.
Malapit na rin naman kami sa mga lagayan ng switch na nasa pader lang ng stage.
Mabilis siyang lumapit sa sa switch na nasa stage at ginawa na nga ang gusto ko. Bago muling pumunta sa aking direksyon.
"Let's go. Kailangan mo ng ilabas 'yan. Malapit lang dito ang comfort room. "Tanging aniya na ikinatango ko.
Pero rinig na rinig ang gulat sa mga tao. Kung isa lamang itong replica, sana walang mangyayaring kakaiba sa pagpatay ng ilaw sa mismong MC. Mukha lamang normal at masaya ang mag-asawa sa magiging anak nila sa t'yan ng babae. Kapwa nakangiti sa isa't isa habang hawak-hawak ng lalaki ang t'yan ng babae na malaki na ang umbok.
Sobrang colorful. Maganda ang ambiance sa arts. Iba't ibang klase ng emosyon ang makikita. Tuwa, inggit at pagkamangha sa nasabing arts.
Maski ako ay napapaisip na lang nang malawak noon. I was 11 nang simulan kong gawin 'yon. Too young, pero sabi ng mga nakatrabaho ko, sobrang bata ko pa kaso ang pag-iisip ay parang matanda na.
Naiinggit ako sa mga masasayang pamilya noon. At dinaan ko na lang ang lahat sa pagpinta. Kaya 'yan ang nagawa ko. A happy family for their upcoming baby.
But…
"What the h*ll is this?!"
"What a monster they are?!"
"Hindi siya matatawag na isang ama kung gan'yan ang trato sa anak niya na walang kamuwang-muwang. "
" What a beautiful painting in the first one! Pero may natatagong karahasan! What's wrong with that kind of family?! "
" Kawawang bata!"
… May natatagong mali sa nasabing obra. Pinaghirapan at ginawan ko talaga ng paraan para magkaroon lang ng panibagong arts. Inabot ng mga pitong buwan ang paggawa ko n'yan.
BINABASA MO ANG
Billion Dollar Wife (Available On Finovel, Novelah And StoryOn)
Romance(Children of Satan Series #1) Someone offer me something. I thought they offering a business. That's why I accept, billion dollar is everything. Not until I found out that they offering a marriage contract. Exchange of that damn money! Kailangan kon...