OBDW 10

444 17 0
                                    

SHION's POV:

(NIGHTMARE)

"Huwag na huwag mong sasabihin sa kaniya! I'm warning you!" Sigaw ng matangkad na lalaki na nakatalikod sa aking direksyon.

Nasa labas ako ng pinto. Nakabukas ng konti ang ang pintuan kaya kitang-kita ko ang bulto ng katawan nila.

Kaaway ng matangkad na lalaki na naka-business attire ang babaeng naka-fitted red dress. Pero hindi ko rin makita.

'Anong pinag-uusapan nila? At sino sila? '

Parang nakita ko na ito noon. Bakit?

"Bakit ba ayaw mo? Ano na lang ang gagawin mo kapag nalaman niya?"

" Hinding-hindi niya malalaman. Hindi niya dapat malaman na hindi siya sa atin. Hindi natin siya anak."

"P-pero... Karapatan niya 'yun! Karapatan niya! "

" Ke karapatan o hindi, hinding-hindi niya malalaman. Hindi mo ba naiisip ang kalagayan niya? Kapag nalaman niya na ayaw sa kaniya ng ama niya, matutuwa ba siya? Hindi! Magtatanong 'yun, hindi na siya bata! Matanda na siya! May isip na ang tinataguan natin ng tunay na pagkatao niya. Ayokong masaktan ang bata, ayokong makita sa mukha niya ang sakit na malaman na sa kaniya binubuntong ang lahat ng sakit ng ama niya. Alam mo 'yan!"

" P-pero hindi niya kamukha ang mama niya! Ano bang mali ro'n... A-ano?" Napalayo ako sa direksyon ng pintuan.

H-hindi... Ba-bakit? Bakit nandito ako?

Bakit napunta na naman ako rito?

Ayoko ng makita.

Gisingin ninyo ako!

Gisingin ninyo ako sa masamang panaginip na ito!

"Alam nating kamukha niya ang mama niya noong sanggol pa siya. Kaya galit na galit sa kaniya ang ama niya, hindi ba? Kaya sa atin pinaampon ang anak niya kasi kaya nating ilayo ang anak niya sa pagmumukha niya. Kaya nating itago ang sanggol na ayaw niyang makita. Sa bata binuntong ang lahat ng galit ng ama niya sa mama niya! Bakit ba hindi mo maintindihan?! "

" Naiintindihan ko! Pero may karapatan pa rin siya! Kilala mo nga ang bata pero hindi mo alam kung ano ang pumapasok sa utak niya! Kapag nalaman niya ito sa iba, pati tayo-"

" Wala akong pakealam! Magalit na siya kung magalit! Ayoko lang malaman niya ang katotohanan! Katotohanan na... Hindi natin siya anak! At hindi siya magiging atin!"

" Pero pinaparamdam mo sa bata na hindi natin siya anak! Ang layo ng distansya mo sa kaniya, mas pabor ka sa anak mo kaysa sa bata. Lagi mo na lang silang kinukumpara sa isa't isa. Do you think maganda sa bata 'yon? Do you think masaya siya sa ginagawa mo? Hindi! Katulad ka rin niya! Katulad ka rin ng ama niya!"

" Huwag mo akong pangunahan! "

" Hindi kita pinapangunahan! Sinasabi ko lang ang katotohanan! "

" Stop!"

" Sasabihin ko sa bata ang tunay na pagkatao niya!"

" I said stop! Ano ba? Bakit ba ang hirap mong umintindi?"

" Ikaw ang mahirap makaintindi! Natatakot ka sa sasapitin ng bata pero hindi ka natatakot na ipamukha sa bata na hindi mo siya anak! Anong klaseng tao ka?"

Mas lalo akong napaurong. Ang pag-urong ay tuluyan ko ng tinalikuran ang pintuan na 'yon. Tumakbo ako palayo.

Tumakbo ako habang kaya ko pa. Ayokong malaman nila na narinig ko.

Billion Dollar Wife (Available On Finovel, Novelah And StoryOn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon