OBDW 11

416 21 1
                                    

(After 2weeks)

SHION's POV:

Isang buwan na at mahigit pa. Nakakaramdam na ako ng kakaiba sa aking sarili, noon pa lang pala. Ganito ba talaga ang buntis?

Sana hindi na lang pala ako nagpabuntis. Sakit sa ulo. Naaasiwa rin ako sa pagmumukha ni Kio. Gustong-gusto ko siyang tadyakan at p-tayin. Promise?

Pero ngayon iniinda ko na lang ang pagkaasar kay Kio. May sasabihin kasi siyang importante kaya nasa labas kami ng bahay. Nandito na naman sa damuhan. May blanket na sa ibaba kaya nakaupo kaming dalawa rito.

Makapal ang aming mga suot na jacket. Kanina pa ako inaantok na bago lang sa akin. Pero pinipigilan ko.

Nakita ko sa google na bawal daw masyadong matulog ang mga buntis. Mamanasin daw.

"Ano bang sasabihin mo? May pa'ganito ka pang nalalaman. Sosyal lang? P'wede naman sa damuhan na lang umupo." Sabay irap ko pa sa kaniya saka napalingon sa kaitaasan.

Hindi pa rin kami nakakauwi ngayon. Ewan ko ba kung bakit. Akala ko ba may mangyayaring event sa kompanya nila?

"Can you shut up? Hindi ka makapaghintay." Inis din na saad niya sa akin at matalim pa akong tiningnan.

"Galit ka na n'yan? Tadyakan kaya kita at itapon sa ibaba ng bangin na 'yon. Baka sakaling mawala ka na sa buhay ko. Tuknene naman! " Pambabanta ko sa kaniya sabay turo pa sa bangin na hindi kalayuan sa aming direksyon.

" Aist damnit! Ano ba Shishi? Hindi ka tatahimik? " Nanggigigil na tanong niya na ikinangiti ko pa lalo.

" Hindi. Kapag sinabi mo na ang dahilan mo. Bagal bagal mo kasi. Para kang bakla. Ah! Bakla ka na pala, lampa rin. Perfect combo! Kio the Baklang Lampa! Ahaha! " Tuwang-tuwa pa ako habang iniinis siya. Tinuturo ko pa ang mukha niya na pulang-pula na.

Dahil sa buwan kaya kita ko ang pagmumukha nitong lalaki.

Napapikit na lang siya habang pinipigilan ang sarili na saktan ako.

'Awts! Sana all mapagtimping lalaki. '

"I'm still a man, Shion. Hindi lahat ng araw kaya kong magtimpi. Pasalamat ka mahal kita." Tiningnan pa ako nito nang makahulugan.

Dahil sa pagmamahal niya nagiging under siya sa akin. Akala niya normal lang talaga ang lahat ng nangyayari. Pero hindi niya alam iba na pala ito.

Mabuti amazona ako at minsan ay nagiging baliw rin. Hindi niya napapansin.

"Mahal din naman kita, Kio. Pero mawawala ang pagmamahal ko sa 'yo kung magpapabagal ka pa sa lahat ng nangyayari. Haler? Kung may problema ka, spill it. Kung ano man 'yan tatanggapin ko. Kung tungkol sa kasal natin, aba sige lang! Nasa pagmamahal ang salitang tiwala, kung wala sira ang pondasyon ng ating relasyon. Imbis na magiging totoo na, masisira pa."

" Tapos ka na?" Nakakunot noo niyang tanong sa akin matapos kong dumakdak.

" Oo bakit aalis na tayo?"

" Tsk. Umayos ka kasi muna. Kahit ngayon lang, ako muna ang pagsalitain mo." Nakikiusap niyang saad.

Napanguso naman ako habang nag-iisip. Kaya ko bang manahimik?

Mukhang malabo 'e?

"Sige na iiyak ka na 'e. Basta dalian mo! May limit lang ang pagiging tahimik ko. Baka masagad ako at map-tay na talaga kita."

" Tsk. Heto na nga, okay? Hep! Hep! Hep! Don't try to open your mouth, Shishi," pagbabanta niya agad sa akin nang ibubuka ko na sana ang aking bibig para lang magsalita.

Na-pa-peace sign na lang ako sabay senyas na ituloy niya ang kaniyang naudlot na sasabihin.

"So, here's the real reason why I marry you. Ayokong dumating ang ika-30 ko..."

Billion Dollar Wife (Available On Finovel, Novelah And StoryOn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon