OBDW 7

474 16 1
                                    

SHION's POV:

"SON!"

"Apo!"

Sigawan ng mga nilalang na iyon matapos naming makalapit sa kanilang lahat. Mabilis na dinaluhan ni Kio ang kaniyang pamilya.

Isa-isa niyang niyakap ang kaniyang lolo't lola at maging ang kaniyang mommy at daddy. At nakipagkamayan naman siya sa kapatid nito.

Nakangiti ko lang silang pinagmamasdan.

Magmula ng makuha na ni Kio ang kaniyang pinapangarap. Naabot na rin ng pamilya ang kasiyahan sa isa't isa.

They live as one. And will no longer leave one by one.

"Hey mom and dad. And also lo at la. My brother Zeus, this is Shion my wife. "Pakilala ni Kio sa akin sa pamilya niya.

Tiningnan naman ako nang lahat nang seryosong titig. Katulad na katulad ni Kio na parang inaalam ang lamang loob ko pati ang kaluluwa ko.

Kaya medyo unaware ako...

"Grabe nagiging anghel na diyosa na ako Kio, " nakangiti kong sambit kay Kio na ikinataka ng lahat.

Maging si Kio ay hindi maipinta ang mukha. "Pinagsasabi mo?"

"Ang gwapo mo sana kaso bingi ka na nga lang. Ang sabi ko inaalis na ng pamilya mo ang dem-nyong pumasok sa katawang lupa ko. Parang naging anghel na ako, sa pagiging anghel ko parang mahihimatay ako sa paraan ng titig nila. Saka baka kinukuha na nila ng hindi ko namamalayan ang lamang loob ko, naku! Uuwi na ako! Kinakabahan na ako! Salamat po sa pagpunta este aking pagpunta... Magpapaka-aray!" Masama ko namang tiningnan si Kio.

Ang sakit talaga niyang mambatok.

" Lessen your talkative attitude please. Nasa harapan ka ng pamilya ko. " Pagpapaalala niya sa akin na ikinangiwi ko.

'Oo nga pala.'

" Aheheh... Hi po magandang ako este magandang hapon po sa inyong lahat. Ako po si Shion Montavidad Franco, sa kasamaang palad po 'e pinakasalan ko po ang anak ninyong ubod ng sungit. Saka p'wede po bang time first sa pagtitig nang masama sa akin, hindi ko po keri. Nakakam-tay po. Promise? "Tinaas ko pa ang kanang kamay ko na nagsasabing totoo ang sinasabi ko.

For the first time in my life ngayon lang talaga ako kinabahan na makilala ang ibang tao.

Pero hindi naman sila ibang tao, pamilya ni Kio ito.

At baka may alam din sila tungkol sa bali-balita. Naku! Imbis na mabobola este mapapakisamahan ko itong mga tao rito, hindi.

'Sino ba kasi ang nagpapakalat ng maling impormasyon? Hey! Rinig na rinig sa kasal namin na ayokong maging asawa nitong si Kio. Binuhat pa ako ng tatlo para lang makalapit sa direksyon niya.'

"Ay naku kang bata ka! Parang magkakasundo tayo. Bet ko ang madaldal. Kaysa kay Bianca na ubod naman ng arte. Marunong ka ba sa gawaing bahay o makitulong sa hardin? "Tanong agad ng lola ni Kio na ikinatango ko naman nang malawak.

'1 point for Shion Shishi! Wala ka ngayon sa akin Bianca. Pangit ka!'

"Oo naman po! Kayang-kaya ko 'yan. Alam po ba ninyo na may lahi ako ni Tarzan. Naglalambitin pa po ako sa mga baging para lang makapunta sa ituktok ng puno ng mangga. Kagaya po nu'n! May baging po ba 'yon ahakajsgaajoaja... " Hindi ko na matuloy ang aking sasabihin nang takpan na ni Kio ang aking bibig.

Napasimangot naman ako pero sa huli ay napangiti rin. Kinagat ko sa harapan nila ang palad na nakatakip sa aking bibig.

"Ahh!" Na naging sanhi para mapasigaw sa sakit si Kio. Masama pa niya akong tiningnan pero binelatan ko lang siya.

Billion Dollar Wife (Available On Finovel, Novelah And StoryOn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon