OBDW 5

536 20 0
                                    

SHION's POV:

2 weeks na ang nakalilipas nang may mangyari sa amin ni Kio. At wala naman akong nararamdamang kakaiba. Saka kung hindi man ako mabuntis, baka hindi ito ang tamang panahon.

Dahil nasa marriage contract lang kami ni Kio. Hindi totoo. Kami 'yung mag-asawa na nasa kontrata na akala mo may something sa isa't isa pero wala naman talaga.

We're just doing it because we're challenging ourselves to know more about each other.

Parang magkaibigan na hindi rin. Kasi naman puro na lang kami away nang away.

Kapag walang away, tiyak na may ginawa ang isa sa amin na kasalanan.

At kapag tahimik naman kaming dalawa. Aba himala na lang mangyari 'yon.

We're not sweet. Hindi naman kami pagkain.

Tao pa rin kami at hindi bagay.

"Shion aalisin ko ba talaga lahat ito?" Takang tanong ni Jrake habang tinuturo niya ang mga damit niya at mga pantalon na sa tingin ko ay hindi maganda sa paningin ko.

Nasa bahay kami ni Jrake. Hindi namin kasama si Kio. Nasa China siya para makipagkita sa business partner niya. Matatagalan siya sa pag-uwi.

Panigurado na mga isang linggo siya ro'n. Ayos lang sa akin. Hindi naman ako nababagot. Kasama ko naman ang mga kaibigan niya. Pero kapag may meeting din ang isa, pupunta siya malamang. Minsan ay iisa lang ang natitira sa bahay namin ni Kio para bantayan ako.

Kahit na kayang-kaya ko naman na ang sarili ko. Bata pa lang ako sinanay ko na ang sarili ko na mag-isa.

"Yeah. Hindi bagay sa 'yo. Hindi kaaya-aya sa paningin ko. Lahat ng nabili mong mga damit na pambahay at panlayas ay sa itaas, naka-indicate na kung saan si pambahay at si panlayas. Nilagyan ko na ng label huh? " Tinuro ko pa ang nakalagay na kataga sa may lagayan ng damit niya.

Whether it is outside or indoor shirt.

" Oo na nakita ko."

"At 'yun namang mga pambahay na short at pantalon mo, sa ibaba naman ng mga damitan mo. 'Yung mga panlayas na shorts at pantalon naman ay nilagay ko sa pinakaibaba pa. Got it? "

" Opo boss. " Sumaludo pa siya sa akin na parang tanga. Kaya napaismid na lang ako.

Lumapit naman kaming dalawa sa isang cabinet pa na mataas. Gawa sa kahoy ang lahat ng cabinet ni Jrake.

Matibay kasi.

Nang buksan ko ang pinto nito. Nakita ko ang mga nakasampay na mga tuxedo, sleeves at kung anu-ano pang damit pang-business. Maayos na ang pagkakalagay kaya sinarado ko na. Sinunod ko naman ang ilalim nito na may lalagyan pa. Kaya binuksan ko na at dumapo naman sa akin ang mga sapatos, tsinelas na nasa maayos na kalagayan.

Napatango-tango na lang ako at sinarado na rin.

"Wala na pa lang problema. 'Yan lang talagang panlayas at pambahay na sinusuot mo lagi ang ayoko. Kaya itapon mo na. Gusto mo kainin mo para hindi ka manghinayang. "

" Grabe ka naman sa akin. Hindi naman ako matakaw. " Nakanguso niyang sambit na ikinatawa ko na lang at saka napailing pa.

" Joke lang naman naniwala ka. Tara na sa labas. Baka tapos na rin maghanda ang kaibigan mo. "

" Kaibigan ka na rin namin kaya. Hindi na boring ang buhay namin dahil nandito ka na sa piling namin. " Nakangiti pa si Jrake ng sinasabi iyon.

Alam kong sinsero siya pero hindi ko feel ang ganito.

Hindi ko keri na may nag-we-welcome sa iyo na maging parte ng buhay nila.

Masyadong komplikado ang lahat. Ewan ko kung kaya ko pa bang magtiwala?

Billion Dollar Wife (Available On Finovel, Novelah And StoryOn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon