SHION's POV:
Wala namang nangyaring kakaiba sa nasabing anibersaryo ng kompanya. Tamang kainan lang, kwentuhan tungkol sa mga naabot ng dalawang kompanya sa mahabang panahon nilang pasukin ang arts.
At pagpapakilala sa bawat mga artist na pumunta para ilahad ang kanilang mga nasa isipan tungkol sa ginawa nila. Saka mag-vo-vote kung magkano ang halaga n'yon. Pero ang tanging tataas lang ng kamay ang mga taong bibili nito.
May ilan na obra ang hindi bet ng aking panlasa. Este ng aking mga mata. Pero kahit na ganon man, hangang-hanga ako sa kanila. Dahil hindi sila tumitigil sa pangarap nila.
Ang hindi ko lang ini-expect ang pagdating din ng kilalang artist sa mundo. Ang ama ni Amiro. Si Sir Amaro.
Walang mababakasan ng kahit anong emosyon man lang sa kaniya. Actually nasa kaliwang bahagi ko siya. Magkatabi kami pero wala akong pakealam.
Hindi ko siya gusto. Katulad lang ng babae at ni Marco. Ayoko sa kanila. Naalibadbaran ako sa kanila.
Mas matindi si Kio. Pero wala akong magagawa. Kailangang pagtiisin si Lampa.
"Okay. Because it's done. Let's proceed to the center. Galawin na ninyo ang inyong mga upuan at pumili na ng pwesto. And also the owner of the said two companies. "Nakangiting pahayag ng MC kaya no choice kaming dalawa ni Kio na kunin ang aming mga upuan na plastic at dalhin sa ibaba.
Sa unahan namin piniling dalawa na pumwesto. Ganon din si Amiro. Napaismid na lang ako kay. Bianca nang lumapit din siya sa direksyon ng asawa ko.
Napansin ko pa ang paghawak nito sa kamay nito.
Kaya sa inis ko. Hinila ko ang upuan ni Kio palapit sa akin at matalim na tiningnan ang babae.
"I'm warning you, b-tch. Pap-tayin kita kapag hindi mo tinigilan ang asawa ko. Hindi mo alam kung paano magalit ang isang katulad ko. "Seryoso kong saad na ikinamutla niya at lumingon na nga sa unahan.
Magsisimula na ang pinakadinadaluhan ng lahat. Ang paglabas ng mga obra isa isa.
Ang uunahin ngayon ay ang obra ni Kio.
"So, the first artist for today is Mr. Kio Chaser Y Franco. The owner of the Franco Art's Gallery. Pakilagay na sa harapan ang kaniyang mga obra. " Utos ng MC na babae at saka nakita ko na lang ang dalawang kalalakihan na hawak ang isang canvas na malaki pa sa tao.
Nakataklob ang puting tela mula rito. Kaya hindi makikita kung ano ang gawa niya.
Nang matapos na nilang ilagay sa stand na malaki rin. Lumapit na ang MC sa harapan nito. Dahan-dahan niyang binuksan ang nakatakip sa canvas.
At ganon na lang ang pagkamangha ko sa nakita ko. Bloody Moon Flower. And a guy holding it. Nakatalikod siya habang nakatingala sa Bloody Moon Flower. Realistic.
OMG! I want to buy it! I want to buy it!
"Wow!"
"What a fantastic painting!"
"He's good!"
"I want to buy that! "
" What a perfect painting for my restaurant! I want to buy it too! "
Mga sigawan ng mga tao sa likuran ko. Napasimangot na lang ako at hindi na lang nangialam pa sa kanila. Pero gusto ko talagang bilhin 'e.
'Okay. You have no reason to back out. Arts is arts! Your life!' patuloy na panenermon sa akin ng aking isipan kaya wala na akong nagawa kundi ang gawin ang gusto ko.
"So, let's vote. Anyone? Who want to buy this painting of Mr. Kio? Kung sino ang mas malaki ang ilalabas na pera. Siya ang panalo. Let's start! " Anunsyo ng MC na ikinataas ng mga gustong bumili.
BINABASA MO ANG
Billion Dollar Wife (Available On Finovel, Novelah And StoryOn)
Romance(Children of Satan Series #1) Someone offer me something. I thought they offering a business. That's why I accept, billion dollar is everything. Not until I found out that they offering a marriage contract. Exchange of that damn money! Kailangan kon...