OBDW 14

408 19 0
                                    

SHION's POV:

Two days after the incident, two days we decided to leave their house. Bumalik kami ni Kio sa dating bahay. Nakausap ko na rin si Hansel. Nagkaayos din kaming dalawa.

Pero malayo na ang distansya ko sa kaibigan ni Kio na si Amiro. Naiinis ako sa pagmumukha niya. I don't know why.

At ngayon nandito ako sa loob ng aking kwarto. Nakatingin sa pininta ko. Ang tanging kaya kong ibigay sa lalaking minamahal ko.

Sa loob ng mga araw na kasama ko siya. Ang dami kong na-realize. I'm hurting him already... 'yung tipong sobra na talaga.

Sobra na ang pagiging amazona ko. Nasasaktan ko na siya physically at mentally. Ayokong dumating sa point na maging under siya sa akin.

Ayoko. Hindi ko gustong mangyari 'yon.

Ninanais kong maging pantay lang kami. 'Yung pantay ang samahan, walang under at walang mataas. Kahit na lampa at bakla 'yan.

Lalaki pa rin 'yan. Lalaking tanging nand'yan kapag kailan ko ng karamay.

Bakit ba masyadong emosyonal ako sa mga oras na ito? Haist!

"Puntahan ko na nga lang siya. Panigurado na nag-aasikaso na siya ng kaniyang sarili. Ngayon na ang anibersaryo at kasama rin ako."

Simpleng dress na backless na kulay blue ang suot ko ngayon. May coat din na kulay gray na hindi ganon makapal ang tela para pangtaklob lang sa likuran ko.

Nakasuot din ako ng heels na kulay itim pero hanggang 2 inch lang ang kaya kong isuot. Ayokong mangalay ako sa paglalakad.

Saka sa buhok ko. Ginagawa ko naman ang lahat para maging ayos lang ito kaso nga lang buhaghag talaga kaya naisipan ko na lang na puyurin.

Kunting polbo lang, lipstick sa labi at cologne na masarap sa pang-amoy ang ginagamit ko.

Napalingon ako sa salamin na nasa cabinet. Maliit lang ito at sakto lang ang mukha ko. Napatingin ako sa kulay ng mata ko.

Kulay gray. 'Yung gitna lang talaga ang kulay itim.

Maganda naman ako kung nag-aayos. Pero tinatamad ako.

Napalingon ako sa salamin na nakalapag sa cabinet Ngayon lang ako gagamit nito, kaya hayaan na.

Sinuot ko na ang salamin pang mata at sakto ang pagkatok ni Kio sa pinto ng kwarto ko.

Kaya pumunta ako sa pininta ko na nakalagay sa stand at kinuha 'yon.

Naglakad na ako palapit sa pinto. Tinago ko ang mismong pininta ko para hindi makita ni Kio.

Nang buksan ko na ang pintuan nakita ko si Kio na naka-formal suit.

Black tuxedo. White long sleeves at black necktie. At black pants.

He also using his serious glare and look at my canva that are so big.

Hanggang sa dibdib ko ang laki. Kaya buong gabi ko itong ginagawa. Pero s'yempre may pahinga rin ako. Napapagod agad ako nang mabilis.

"What's that?" Takang tanong niya sa akin sabay turo pa rito.

Nakangiti ko naman itong ibinigay sa kaniya na ikinataka niya. Pero kinuha rin.

"My gift for you. Did you like it?" Tanong ko nang makita na niya ang gawa ko.

Biglang nagbago ang kaniyang ekspresyon. Napalitan ng pagkagulat at pagkamangha. Pinagmamasdan niya ang bawat anggulo nito.

Ang lahat ng sulok ng ginawa ko.

"Y-you...you did it for me?" Utal-utal at medyo nahihimigan ko ang tuwa sa kaniyang boses.

Billion Dollar Wife (Available On Finovel, Novelah And StoryOn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon