OBDW 12

445 20 0
                                    

KIO's POV:

"Dre may text si Tita Shara. Pinapasama kami sa pag-uwi mo. May salo-salo raw sa bahay ninyo at makausap naman daw namin sila." Pagtatawag sa akin ni Hansel ng aking atensyon.

Nasa loob kami ng opisina. Kasama rin namin si Amiro na tahimik lang habang nagtitipa ng kaniyang keyboard ng laptop.

Busy na kami sa mga oras na ito. Kailangan naming makipag-usap sa iba't ibang business partner namin at maging sa inimbitahan naming dadalo sa magaganap na okasyon sa dalawang kompanya.

Ang Franco Art's Gallery at ang A.&A. Arts Company.

Ang A&A ay nangangahulugan na Amiro and Amara. I don't know who Amara is. Masyadong malihim itong si Amiro. Lahat ng gusto niyang ikwento nasa obra niya nilalapat.

Lahat ng sakit na gusto niyang sabihin, makikita sa pininta niya.

"How about me?" Takang tanong niya naman kay Hansel na agaran nitong itinaas ang kaliwang palad na nangangahulugang 'saglit lang'.

Pero nagtataka ako sa mama ko. Ano namang pakulo ito at may paganito pa sila?

"She said yes and your wife wants to see Amiro. Mukhang may mambabakod ng kaniyang lupa ngayon 'a!" Nakangising wika nito habang nakatingin sa akin.

Tinaasan ko lang siya ng aking kilay sabay lingon kay Amiro na nagugulumihan.

"Kailan ka pa naglihim? Bakit hindi mo ako pinapunta sa kasal mo?"

"You're not here, kaya sino ang iimbitahin ko? And it's urgent. Naver suggest me to find my bride exchange of one billion dollar. " Kibit-balikat na sagot ko naman sa kaniya.

" And you give in? You told me na 'yung unang inalok mo, wala pa sa isang linggo nakuha na agad ang mga mahahalagang obra mo at mamahaling gamit mo. Tapos hindi ka pa tumigil. Hindi ka ba nadadala sa mga babaeng pera lang ang gusto? "

"But she's not one of the gold digger. She's different. She also like us. Love to paint... and love to help someone with her own money. She refuse my one billion dollar, but accept it too because of her will na makatulong sa mga kabataan sa kalsada at mga may edad na gustong makapagsimula ng panibago. " Nakangiti kong pangangatwiran naman kay Amiro.

'Yung babaeng talaga na 'yon binago niya ang lahat ng pananaw ko. Siya lang ang nag-iisang babae na binigyan ng kulay ang buhay ko. Tinanggap ako at minahal ako kahit na may mali sa pagkatao ko.

Palagi niya sa akin pinapatatak na magpakatatag at magtiwala. Hindi man niya sa akin sinasabi pero sa kilos at gawi naman niya.

Siya 'yung babae na babangon at babangon hanggat may pag-asa pa. Hanggat may naniniwala pa sa kaniya.

Alam kong masakit sa kaniya ang malaman ang tungkol sa tunay na pagkatao niya. Kung sino ba si Shion Montavidad?

Pero ewan ko ba sa babaeng 'yon. Kakaiba siya. Sa pagiging kakaiba niya, lalong nahuhulog ang sarili ko sa kaniya, na para bang ayoko ng malayo sa buhay niya.

Gusto ko nasa tabi niya lang ako, gusto ko nasa tabi ko siya. Ayokong mawala si Shion sa akin.

Hindi man siya sweet sa akin. Kung patuloy man niya akong sinasaktan at dinadaldalan na akala mo nakatakas sa mental, sa huli naman gagawa naman siya ng bagay na hindi ko inaasahan.

That kiss. That hug and also how she told me that she also love me too.

'Heaven. '

"Tinamaan na nga." Naiiling na wika ni Naver.

May tao pa pala. Tsk.

"Sinabi mo pa, first time ko lang makitang maging baliw na ngingiti na lang ng mag-isa si Kio. "Komento rin nitong si Hansel.

Billion Dollar Wife (Available On Finovel, Novelah And StoryOn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon