OBDW 13

470 18 0
                                    

SHION's POV:

Punyeta 'yan! Laughtrip talaga si Kio kagabi! What the f! Paulit-ulit kong pi-ni-play ang mga nakuhang videos sa pag-iyak niya. Hindi ko inaasahan na ganon pala ang magiging reaction niya!

Priceless!

Buti na nga lang may bilog na malaki sa likuran nila Mommy. Kaya nakakahinga ako nang maluwag. Kung hindi, mapapatay ko na si Kio nang sobrang aga. Punyeta siya. Ang bagal-bagal. Ang kupad ng mga kilos.

Pero kahit ganon. Natatawa talaga ako sa kaniya. 'Yun na lang ang libangan ko kapag naiinis ako sa pagiging bakla niya.

"Anong balak na ninyo ngayong dalawa?" Tanong agad ni Lolo Kiro matapos sumapit ang buong umaga.

Katabi ko si Amiro ngayon. Nakasimpleng Calvin Klein shirt lang siya na manipis ang tela.

Hindi ako umupo sa tabi ni Kio, ayaw ko lang kay Kio, naalibadbaran pa rin ako sa kaniya.

Naiinis pa rin ako sa pagiging lampang bakla niya.

At ganon din sa kinakain niya ngayong araw. Hindi ko matansya ang amoy. Kumakain na pala ng itatapong pagkain si Kio. Hindi man lang nagpasabi, sana itinapon ko na sa kaniya 'yung mga nasa basura.

Para masaya, hindi ba?

"Maybe she will giving birth to our children in U.S., maasahan naman ang mga doctor at nurses sa Pilipinas. At magaling din silang mag-alaga. Pero Amiro and I talked about someone who will take care Shion." Sagot naman nito sa lolo niya nang mahihimigan ang kaseryosohan.

" Bakit sa U.S. pa? Hindi ba ninyo kami hahayaang makita ang mga apo namin? Kaya sa malayong bansa ninyo naisipan na ipanganak siya?" Nagtatakang tanong ni Mommy Shara sa anak na ngumiti lang nang tipid saka bumaling ang tingin sa akin.

"I want too. Pero Shion needs fresh environment, ilayo sa mga bad experience at saka ipapasok ko siya sa training kung paano maging normal ang panganganak niya. Para doon lang siya focus kaysa isipin na naman ang iba. You know, my wife…"

" Correction. Billion Dollar Wife. Hindi pa tayo kasal ng tunay, remember? Kaya ako pa rin ang pinakasalan mo dahil sa bilyon dolyar mo. Akala mo kung sinong mayaman, tao rin—galit ka na n'yan? "Nakangisi kong saad nang umilag ako sa paparating na panyo na nilukot at itinapon sa aking direksyon. Kaso si Amiro ang natamaaan na tahimik lang na nagkakape sa tabi.

Magsasalita na sana si Kio nang mabilis kong pinalipad ang kutsara sa mukha niya.

At saktong-sakto talaga sa noo niya ito tumama. Napapikit na lang siya habang nakangiwi.

Hinawakan ang kaniyang noo na namumula na dahil sa pagsambot ng lumilipad na kutsara.

'Sharp Shooter talaga ako. Kaso nga lang hindi kutsilyo ang itinapon ko. Ayokong mawalan ng ama ang MGA anak ko.'

"Ang astig may lumilipad na kutsara kay Lampa. 'Yun nga lang sa kalampahan, hindi nakailag. Baklang lampa talaga. " Pang-aasar ko pa sa lalaking ito na matalim ang tingin sa akin.

"Nasa hapagkainan kayong dalawa. Maghunos dili kayo kahit saglit lang. Kahit ilang oras lang maging maayos naman ang pakikipagsamahan ninyong mag-asawa." Pagpapatahan sa amin ni Daddy Yuolo kaya napalabi ako.

Sermon sa umaga, tanong sa sarili.

'Imposibleng mangyari. Kami magiging ayos ng ilang oras? Ni hindi nga ako mapakali sa isang minuto na hindi matadyakan at masaktan 'yang si Kio.'

Saka hindi kami nila katulad. Kung sila parang lalanggamin na, kami naman nandidiri sa isa't isa. Char!

"Mukhang malabo." Naiiling na saad namin ni Kio.

Billion Dollar Wife (Available On Finovel, Novelah And StoryOn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon