Chapter 07

32 3 0
                                    

CHAPTER 07

"Riva, anong sinagot mo sa number 23? Sabi nila mali raw yung spelling ko. Patingin nga ng sayo."

"Wait lang." 

I drink my water first. Hindi ko maiwasang tignan ang sitwasyon ngayon sa classroom. Students are comparing their answers and final score. Ang iba'y nalito kung bakit mali ang answer nila, dapat A daw hindi C.

Students!

"O." Iniabot ko kay Vermont ang quiz ko sa Physics kanina. Buti na lang at nabasa ko kahapon after class dahil nahulaan ko nang magsusurprise si ma'am.

—Ng quiz nga lang.

"Cleaners mo ngayon Chua ah?!" sigaw ng bise ko.

"Punta lang ako canteen, papa load." singit ni Chua. Sus, sabihin mo sa pagong.

"Paload-load ka pa wala ka namang jowa." pambabara niya.

Nag ingay ang buong room. Birong hinampas- hampas nila si Chua. "Wala ka pala boy!"

"Online ka ba?" tanong niya kay Liora na may ngisi. Namayani ulit ang tilian at hampasan sa kwarto. Aish!

"Ayieeeee. Vice gov - Chua..."

Hindi na ako magugulat kung bubuga 'to ng apoy at bugahan sila. Maganda, morena, nerd na may pagkamasungit. Ayus-ayusan lang konti ang buhok niya ay pwede ng panglaban sa 'Miss Muse Department.'

"Chua! Kung ako sa'yo maglinis ka na at 'wag kang lalapit sa akin, tindihan mo? Epal talaga! Letse!" I predicted. Ang taas na naman ng blood pressure nito. Ang pula din ng pisngi niya!

"Huwag kang stress babe sige ka, papanget anak natin." pangungulit pa niya. Lumapit pa si Chua. Atapang!

"Sinasagot mo ko!" taas noong wika ni Liora habang inaayos ang glasses niya.

" Oo, sinasagot na kita." ngising saad ni Chua.

Umingay ulit at naghiyawan ang buong kwarto. May ilang estudyante na rin sa labas ang  nakiki-tsismis sa nagaganap. "Riva, ilayo niyo 'to sa akin may mapapanot sa araw na 'to e."

Chua smirked at her and whooped.

"Bilisan mo na ang paglinis, Chua! Habang di pa sasara sina Aling 'siomai.' Birthday pa naman ng anak niya." sigaw ko na.

"Dali." at may naghihintay pa sa 'kin.

Pagkatapos kong matapos ang resposibilidad. I hurriedly go inside the comfort room. I prepared my lip balm-strawberry aroma, cheek tint, hairbrush. Naglagay rin ako ng strawberry flavor na perfume, langhap na langhap ko ang tamis.

Limang minuto akong nagkulong roon dahil lilinisin na ang banyo. Tinali ko ang buhok ko pa- ponytail dahil ang init. Ang init-init!

I grabbed my backpack. Pinagpag ko ang uniform ko't baka lukot na. Nanlalamig ang kamay ko sa hindi malamang dahilan kahit na ang ang init ng panahon.

Chill lang akong lumalakad pero deep inside tumatambol na ang bawat pagpintig ng puso ko.

Huminga ako ng malalim dahil sa kaba. Backout na lang kaya ako? O daan na lang ako sa kabilang labasan?

Paaasahin mo siya? Tengene naman Riva! You're so bad!

Calm and relax. Hingang malalim. Manliligaw mo lang' yan 'di ka kakagatin!

Malapit na ako sa gate nang may tumakip sa dalawang mata ko. Buang naman o!

"Kung sino ka man pwedeng mamaya na lang makikipagkita pa 'ko sa jowa ko." I knew its Hyura. Pabango pa lang ng panglalaki at may singsing siya sa ring finger! Ewan ko ba diyan.

Invisible StringWhere stories live. Discover now