Chapter 04

47 4 0
                                    

CHAPTER 04

"Yes... yes. I've been there. It's amazing! It really is." 

Shimmy remarked. 

Habang ang kausap ay nag p-pedicure ng kuko sa paa. Maris. "I'd like to come but I have no time left, la naman pogi do'n." nahihirit ko ang sarkasmo sa tono ng boses niya.

Hindi ako naniniwala!

Kaliwa't kanan ang laging bumabati sa kanya kapag kasama namin siyang pumupunta kung saan-saan. There was a time that I also saw my face on screen dahil sa likod lang ako niya habang ini-interview siya, on the spot!

Mangiyak-ngiyak nga si Shimmy no'n kasi may tubo pa siya ng pimples sa ilong niya. 

Hayst! Life of being the daughter of a famous actor and actress in the Philippine Showbiz Industry.

"Ikaw? Boba ka ba? Base sa source ko nag-jamming ulit kayo nung anak ni Mr. Senator sa club. Hep! Hep! Hep!" 

Natatawa kami sa pagkakasabi ni Becca, sasakit talaga puson mo sa tawa sa kagila-gilalas nitong magsalita.

"Maghohoray ba kami?" Iritadong pahayag ni Kiara na nasa carpet at lilipad na. 

She's painting on her newly bought canvas. Mas nakakaganado daw talaga gumawa kapag bago.

Kanina'y masakit na sa puson naming pagtawa ay mas lalo pa ngayon, nahihingal na ako at ang iba'y pinupunasan na ang luha sa mata. 

Goodvibes talaga lalo pa't stress ako ngayon

Stress reliever ika nga.

"Fake news lang iyon nagpapaniwala agad kasi kayo, No doubt! Madali kayong lokohin!"

"Katulad mo..." chill na may ngising tagumpay ni Hyura. 

Nakalapat ang isang paa sa sofa habang hinihinaan ang volume ng tv.

"Nakita ko sa two eyes ko. . . . personally, irrevocably, essentially." Becca proclaimed. 

Kahit anong kontrol naming hinaan ang tawa ay hindi na talaga. Humagalpak na kaming lahat kahit si Kiara.

Nangingisay pa si Shimyang na dali-daling kumuha ng camera at videohan ang pagkakataong gan'to.

Kaninang kasing tahimik ng mansyong walang taong tumitira ay naging isang palengke sa may isdaan at bentahan ng baboy at isda. Even if Hyura's hands are covering her mouth, it is clearly noticeable how her eyes are shining metaphorically burst out laughing. 

Kagad na binato ni Maris kay Hyura ang katabing unan habang nililigpit na ang manicure set.

Hindi nag pasindak ang gaga at nandamay pa. 

Nagsikuhanan kami ng unan at parang mga batang naglulundagan sa sofa at ang iba'y may sari-sarili ng armas sa naturang labanan.

Labas ang ngipin na ngumiti si Shimmy, enjoy na enjoy siya sa gagawin namin ngayong gabi. Dinampot niya ang mga scratch paper ni LJ na nakakalat sa pandak na lamesa. Pa inosente niya pang pinulot pero sa aktibo ako'y inunahan ko na siya. Mabilisan 'kong kumuha ng papel at ibinato na iyon sa kanya. 

Sa kabilang banda ay kinuha ni Kiara ang paint pallete sa mesa at pinaghalo ang mga pinta roon.

Violet, blue and white is mixed. Hindi pa siya na-satisfy! Kumuha pa siya ng acrylic paint at binuhos lahat iyon. Expected, nagsilapitan kami sa kaniya at parang mga tangang nagsiligayan sa isa't isa.

Naghahagikgikan kaming naglaro sa sala. Paikot ikot at pa takbo-takbo. Hindi mabuting pumagitna at maglaro sa sofa dahil sa mukhang mamahalin iyon at bagong bigay pa ng Daddy ni Ligaya. Mas minabuti naming sa kusina nalang. Circling at the dining table and counter top, specifically.

Invisible StringWhere stories live. Discover now