Chapter 12

34 2 24
                                    

CHAPTER 12

".....3,999 ma'am "

Pagkasulyap ko sa overall price ng aking pinamili ay mabilis kong inabot sa cashier ang bayad. Nang maiabot ko ay ganoon na lang ang pamamawis ng kamay ko. 'Wag nalang kaya. Puta! 4,000 for heaven's sake. Parang gusto kong sabihin sa cashier na nagbago isip ko pero anong masusuot ko bukas? Butas butas?

"Here's your change po ma'am." Kinuha ko na iyon at sayang naman.

Bitbit ang tatlong supot ay diretso akong baggage counter. I grab the small basket onti lang naman ang bibilhin ko at ako lang naman. Tipid na tipid. Huhu parang nahinayangan ako sa 4,000 pesos. Di bale worth it ang pupuntahan ko bukas.

30 minutes of wandering around my basket are now filled with skincare products, biscuits, dalawang 250 ml na fresh milk na good for two weeks, I also bought candies. Matapos kong maglibot libot at ma-satisfy sa aking pinamili ay mabilis akong pumuntang counter.

Papikit pikit ako sa temptasyon nang madaanan ko ang mga tsokolate at iba pang snack foods. Huhu! Walang kang pera, wala kang pera, wala kang pera...

"1 large strawberry bubble tea... Oo 'yon lang."

I am here at the counter area of some random boba tea shop. Nasa hapag ng counter ang kaliwang siko ko at ang isa'y busy sa paghalungkat ng wallet kong naghihingalo na. Eto ang pinakaayaw ko sa lahat. Ang magmall ng mag isa walang manlilibre sa iyo o distraction man lang.

Umupo na ako sa pang-isahang lamesa at upuan. Habang hinihigop ko ang aking inumin ay nagso-scroll ako sa binabasa kong lecture para sa quiz sa Monday. Ine-expect ko na ang mangyayari ngayong weekend. Habang nagbabasa ako'y hindi ko nakitang may umupo sa kabilang pwesto ko. Natunugan ko lang iyon nang may narinig akong may naglapag ng bangko sa kabila.

"My name's Kiko, and I'm a good guy." Naiinis ako pero kinontrol ko ang sarili't baka maghisterikal ako dito. I just want to be alone! Argh! Why can't I be free? Yung ako lang. Tatlong beses lang nga siguro akong mag isa lang mag mall mag isa tapos may susulpot na naman.

Ilan pa bang lalaki ang mabibihag sa kagandahan ko?

"Not interested, go and flirt someone else..." mahina kong sabi pero may diin ko itong inexpress.

"I'm single."

Happy to say I'm single but not available. May una ng nag-angkin. Ang studies ko.

"I'm not sorry... just stand up, turn your back, and be gone."

Binalik ko ulit ang pagbabasa. Nasa kalahati na rin ang bubble tea ko. I saw in my peripheral vision how the guy shakes his head like a mad man and leave the place with frustration. Phew! salamat naman.

"CK? Hey! Why are you out there? Come on join me."

Hindi ko sinasadyang mapalingon sa babaeng nasa counter na nakapila. Mahaba ang pila ngayon na swertehan lang ako sa hindi ko malamang dahilan.

Ke-lakas lakas naman kasing sumigaw ng babaeng 'to kaya napalingon ang lahat ng nasa shop sa kanya. She's got my attention too because of what she yelled. The name of my number one suitor, Cal. Unang impresyon sa babaeng ito ay mala anghel na nagra-rockstar? Basta parang ganoon.

She has an angelic face and voice based on what I heard after she yelled. Blonde hair. Common rockstar outfit; black leather jacket outside her white tube top, rockstar denim jeans, and a pair of black Converse sneakers.

May vibe siyang ang bait niya na kaibigan dadamayan ka kahit anong mangyari. "Bait." my snap judgement thinked.

Tumango-tango ako habang sinusuri siya. Dumagdag ang pagkainterest ko sa babae nang makita ko kung sinong hinila niya ng pilit. Oo, pilit. Parang takot ang lalaking makaapak sa entrada na may kinatatakutang may makakita sa kaniya.

Invisible StringWhere stories live. Discover now