tw// sexual assault, harassment, sensitive language
CHAPTER 09
"Bakit po wala akong tatay, nay? Tuwing birthday ko po gusto ko po siyang makita. Bakit wala siya sa recognition ko? E may mga awards naman ako nanay. Punong-puno pa nga po kamay ko ng mga stars. Very good ako sabi ni Teacher. Hindi pa po ba proud sa akin si tatay kaya hindi pa siya nagpapakita sa akin?"
"Gusto ko lang tatay e! Mga klasmeyt ko nga merong nanay at tatay. Bad po ba ako? Iniwan rin ako ni lolo... ni lola... Lagi na lang ako iniiwan. Hindi mo iwan Riri nanay ha. Iiyak ako. Bakit kasi iwan hindi ba pwede stay? Kahit one second lang gusto ko lang ulit sila i-see. Miss na miss ko na lolo lola ko. Saan ba sila nagtatago nay? Punta na tayo!"
Hinahawakan ng batang babae ang kamay ng kaniyang ina. Nasa sementeryo sila. Binisita ang yumaong magulang ng ina. Nakaluhod ang bata sa damo at ang kaniyang ina na nakatalungko. Naghihinagpis ang anak dulot ng pangungulila sa pangalawa niyang magulang. Hinahanap ang tatay na ni-anino ay hindi makita. Humihingal at sumisinok sinok ang sampung taong batang babae.
Palagi na lang, palagi na lang akong iniiwan.
"Wake up, Rivs." saglit na napatalon ang puso ko sa boses na iyon.
Bakit?
"Nasa harapan na tayo ng dorm mo, you nap too much already." Pumipikit-pikit ang mata na inayos ang pagkaupo ko. Nag sarap matulog lalo na kapag... I rubbed my eyes. I stretched my neck cuz it hurts. He's at my side of the car door while holding the leather seat in my seat.
Ngayon ko lang napansin ang maliit niyang nunal. Near his sharp jaw. Tinaasan niya ako ng kilay bago kinuha ang mga gamit ko sa likod.
I combed my hair. Tumingin ako sa salamin ng kotse at minabuting rineview ang mukha ko, kahiya talaga kapag may laway ako. Aish! Sometimes it's like that especially when I'm dreaming.
Binasa ko ng laway ang bibig ko sa putla nito. Sinarado niya na ang pinto sa likod. Sa braso'y nakalaan ang bouquet ng tulips, sa balikat niya naka sukbit ang backpack ko.
Dark chocolate mousse cake.
OMG! don't tell me. "I know what you're thinking, you're right... tama ang hula mo." nakayukong tapat niya.
Nahihiya.
"So, hindi para sa akin 'to? Para sa mga kaibigan ko lang ganoon?" Sinilip ko siya patingala sa mukha niyang nakayuko. I grabbed my backpack from him pati ang bulaklak na umaapaw sa bango. Parang maanghang na may lasang mansanas, 'yung green! Iyong sa Mcdo, green apple float. Parang ganoon!
Marahan niya akong ginabayan sa paghawak ng bouquet. Paano ba naman kasi e ang laki. "Para sayo 'yan syempre .. plus for ano na 'rin sa mga kaibigan mo." Ang cutie niyang magblush.
Halikan kita diyan e.
"Pa good shot!" tatango tango pa akong ngumiti.
He shrugged his shoulder and bit his side lip. Still shy, huh!
Kinuha ko na 'yon lalo na at transparent ang box. Baka may makakita pang iba roon at may humingi pa sa aking iba. Dami pa naman ng mga gaga.
"Bye for now then,"
"Ah-huh!"
Lalakad na sana siyang papuntang front seat nang tinawag ko ang pangalan niya.
"Cal."
Wait! Bakit bumilis ulit ang pagpintig ng puso ko?! ... May sakit ata ako sa puso. Lord, ano ba! Kailangan kong mag pa check up. Pero wala akong pera.
YOU ARE READING
Invisible String
General FictionFrom strangers to lovers. From lovers to ex- lovers. From ex-lovers to? flysaira ©2021