Chapter 37

635 36 20
                                    

REESE's POV



Dalawang pakiramdam sa parehong oras, mainit at malamig. Ngayon ko lang napagtanto na maaari palang magsama ang magkasalungat na pakiramdam sa iisang oras at pagkakataon.

Malakas na hampas ng hangin na sinabayan ng maiinit na bagay na nagmumula sa paanan ko, yung pakiramdam na nakalutang ako at sumasabay sa galaw ng hangin ang katawan ko. Ang weird, pero iyon talaga ang nararamdaman ko sa kasalukuyan.

Mabilis akong napamulat dahil sa patindin-pantinding init na bumabalot pataas sa mga binti ko at sa buong paligid ng katawan ko. Malabo ang nakita ng mga mata ko at sinabayan pa ng matinding sikat ng araw kaya sinubukan kong ikurap-kurap ng paulit-ulit hanggang sa maging malinaw ang mga nakikita ko.


"Sa wakas! Gising na ang prinsesa.  How's your sleep?" sarcastically said of someone who has a familiar voice


Napangiwi ako ng mapagtantong nakatali ang mga kamay ko sa taas habang sa ibaba ko naman ay isang malaking bonfire na ano mang sandali ay maabot na ang talampakan ko sa lakas at laki ng apoy. Sa sobrang liwanag mula sa pwesto kitang kita ko lahat ng mga taong nasa baba. May mga naglalakihang iba't ibang uri ng baril na nakasabit sa katawan at pati yung mga nasa malayo ay naaaninag ko din. Sa wari ko'y after lunch time na base narin sa sikat ng araw. Sa may di kalayuan naman nakapalibot ang mga taong nakasuot ng maskarang pula na may kumikinang na tatak ng tutubi. .

Ilang oras naba akong nandito?

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit dragonfly ang napili nilang crest samantalang pwede namang dragon nalang, mas mabagsik tingnan, mas malakas at higit sa lahat bagay sa pula nilang maskara pero bakit dinagdagan pa ng fly? Dragonfly for me is one of the most harmless animals at isa pa napakadaling hulihin non. Nakakahuli nga ako sa garden ni Mommy nyan.

Ang gusto ba nilang iparating na tutubi sila na mahina at madaling magapi? Ganon ba? Kaya hindi ko magawang matakot sa kanila dahil sa walang kwentang tatak ng organisasyon nila.


"So, how's your sleep?"


Dumako ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa malayong harapan sa ibaba ko. Napapalibutan sya ng mga armadong lalake habang may hawak na cellphone it placing near his mouth. Idinikit ko ang tenga ko sa braso ko at doon napagtantong yung bagay na nasa tenga ko ang dahilan kaya naririnig ko sya kahit gaano man syang kalayo sa akin.


"Nasaan ako?" namamaos at mahinang tanong ko

"Oh well. You are in my playground. Look around." natatawa nyang inuwestra ang paligid habang nakadipa ang mga braso "Marami kang nakikita pag nasa taas ka no? Maganda ba?"


Nang-uuyam ang paraan nya ng pagsasalita ngunit hindi ko nalang ganong pinagtuunan yon ng pansin bagkos ay nilibot ko ang paningin sa abot ng makakaya ko.

Puro naglalakihang puno at mga halaman ang nakikita ko kasama na ang nagkalat na tauhan ng lalaking kumakausap sakin. Sa malayong parte ng mistulang gubat na paligid ay may naaaninag akong yate at konting anyong tubig. Sa palagay ko'y nandon ang paraan para makatakas ako sa lugar na ito. Ngunit bago yun kailangan ko munang magawan ng paraan ang kasalukuyang sitwasyon ko. I tried to wiggle my body but I immediately stopped when I accidentally look down.

Kung matanggal man ang tali sa pulsuhan ko siguradong sa malaking apoy sa baba ang bagsak ko. Dibali sana kung purong apoy lang ang nandon, kaso mga kahoy yun na patusok na sinilaban. Masusunog na nga ako, may chance pang mamatay pag tumuhog sa katawan ko yung kahoy. Double kill!


"Relax! Makakababa kadin dyan pag naubos na yung apoy. Pagkatapos non..." saglit syang tumigil dahil may binulong ang isang tauhan nya sa kanya bago tumango at bumaling ulit sa pwesto ko "So, I was saying pag naubos na ang apoy tsaka magsisimula ang tunay na laro."

Inside Of The Gangster World 2; HEAVEN AND HELL Where stories live. Discover now