Chapter 17

1.7K 73 2
                                    

STEVEN POV

"Believe me or not. I'm just shocked that your back. T-that's why... that's why----"

"Kaya kung tingnan moko parang hindi moko kaibigan ganon?" she said firmly and calm , sa sobrang kalmado kinakabahan ako.

Damn it . My freaking hands is shaking!!!

"I-i'm sorry..."

Sa sobrang hina ng pagkakasabi ko nagmistula nalang yung wala. Medyo maingay dito sa cafeteria at maraming tao. Mas makonti pa nga ang tao ngayon dahil maaga-aga pa. I should repeat it again. Kahit lintik ang malikot na daga sa dibdib ko at sinabayan pa ng panginginig ng kamay ko.

"Sor---"

"Apology Accepted."

O_______O

Did she --- Oh! Crap!

Sa sobrang saya ko mabilis pa sa bumbero ang pagtayo ko at lapit sa kanya. Nakangiti ko syang niyakap. I don't know if expected nya to dahil hindi man lang sya gumalaw or nabigla.

Nakayakap ako sa leeg nya habang nakatagilid. Alam kung maraming nakatingin samin pero wala akong pakialam. Ang pakialam ko lang ngayon ay nakahawak na sya sa braso ko at bahagyang tinatapik yun. Patunay na ayos na sa kanya ang lahat. That's why I like her. Hindi sya nagtatanim ng sama ng loob noon at ganon padin ngayon. I guess...

Ngayon ko lang napansin na sobrang namiss ko sya, I mean namiss ko naman talaga sya pero hindi ko nga lang inaasahan na sa sobrang pagkamiss ko pala sa kanya halos hindi nako makagalaw kahapon nung nakita ko sya. Kahit nung nakaalis na sya hindi padin ako makagalaw. Kung hindi pa ako tinapik ni Elvin hindi pako matatauhan.

Tch! Namiss ko talaga sya

"Pwede kanang umayos. Napaghahalataan ka."

Napabitaw ako sa kanya at bahagyang nagulat dahil sa nakangisi nyang muka. Tiningnan nya ako bago sinenyas ang upuan sa gilid nya. Kaya umupo na ulit ako samantalang nagpatuloy naman sya sa pagkain.

"Chansing lang yan si Steven e."

"H-huh? H-hindi no!"

"Masyado namang defensive. Binibiro lang. Hahahah."

Napailing nalang ako sa sinabi ni Mitch. Magsasalita pa sana ako ng mapatingin ako sa gawi ni Sab. Nakatungo padin sya at parang hindi mapakali. Base sa nakikita ko sa kanya. Hindi nya alam ang gagawin,  magsasalita ba o titingnan si Michiko. Halatang halata ang kaba sa itsura nya at napapansin ko din na bahagyang namumutla ang muka nya.

Akmang magsasalita ako para makapagsalita sya ng biglang....

"May sasabihin kaba?" malamig ang boses ni Michiko pero hindi naman nakakatakot.....

.....para saken

Pero hindi para kay Sab. Parang lalo syang natense ng nagsalita si Michiko. Kitang kita ko kung pano nya kinagat ang mga kuko nya. Akmang magsasalita na naman ako ng.....

"Don't worry. I don't bite." nakangising sabi ni Michiko pero biglang nawala yung ngisi nya at animong may inaalala "Oh well!  I do. Pero hindi naman kita kakagatin."

"Eh kase... Reese ano. Sor-"

"Apology Accepted. No need to worry." maliit man ang ngiti nya. Sapat na para kumalma si Sab bahagya nading ngumiti.  I sigh

Girls talk. I shouldn't be here. Hay~

"Sorry talaga Reese. Aaminin kong natakot talaga ako sayo... P-pero napaliwanag naman na saken ni Mitch yung dapat kong maintindihan. S-sorry talaga." sabi ni Sab sabay tungo

Inside Of The Gangster World 2; HEAVEN AND HELL Where stories live. Discover now