Chapter 5

1.8K 79 0
                                    

"Bakit nyo ako dinala dito ?" malamig na tanong ko

"Bakit ka nandito ?" Yakiro

"Bakit masama bang manood ng inter high ?" wala pading emosyong tanong ko

Napailing si Yakiro na akala mo kunsoming-kunsumi sa katigasan ng ulo ko . Tinanggal ko ang aviator ko at pinakita ko sa kanila ang walang buhay na mata ko .

"Alam mo bang alam na nila kung sino ka talaga ?"

"O ? Talaga ? Nice." walang ganang sabi ko

"Are you for real ?" gulat na tanong ni Yakiro

"Yan din ang tanong ko sa sarili ko . Totoo ba ko ? Baka kase nasa dreamland padin ako e." wala pading ganang sagot ko

"Damn ! Piloposo sya." natatawang sabi ni Cool

"Dreamland ? Nasa impyerno kana ngayon ." Yakiro said as a matter-of-fact

"Talaga? Sa pagkakaalam ko doon ako galing e." still , no emotion

"DAMN!"

"HAHAHAHAHA . Ang sakit mo sa ulong kausap." Drake

"Makipag usap ka nga saken ng seryoso ." naiinis na sabi ni Yakiro "Where the hell have you been in the past 2 months ?" seryosong tanong nya

"Hell."

"What ?!" iritableng tanong nya

"I'll been in hell in the past two months . Happy ?" wala pading emosyong sabi ko

"Why ? What happen to you ?"

"Bakit ko naman sasabihin sayo ?"

"Dahil hindi ka makakalabas dito pag hindi mo sinabi."

"Talaga ? Beat me then." naghahamong sabi ko

Tiningnan nila ako ng seryoso at kahit hindi nila sabihin alam kong umiinit na ang bunbunan nila sa inis saken . Kasalanan naman nila yan . Ang sabi ko tulungan lang nila akong makapasok , hindi ko sinabing usisain nila ako . Mag kalalaking tao mga tsimoso .

"Alam mo bang maraming naghahanap sayo." Yakiro

"At lahat sila gusto kang patayin."

"Walang bago." as a matter of fact , I said

"Pero ang nakakapagtaka lang . Pangalan lang nila ang alam mo , ni wala silang makuhang ibang impormasyon maniban sa kung saang school ka nag aaral . Bukod don wala na." Yakiro

"As expected." bored na sabi ko

"Seriously ? Where have you been ? And what happen to you ?" Yakiro , I sigh before answering them

"Like I said , I'll been in hell ." wala pading ganang sagot ko , rinig na rinig ko ang mabigat na buntong hininga nila kaya bumuntong hininga nadin ako , gaya-gaya lang "I'll been in coma at kahapon lang ako nagising. "

"What ?! Kahapon ka lang nagising at nandito kana naggagala ? Hindi mo ba alam na sobrang delikado para sayo ang magpalakad-lakad dito ?"

"Tsk ! Believed me or not simula nung tumakas ako kahapon ang daming tumutulong saken . Hindi ko naman kilala."

"At tinanggap mo yung tulong ?"

"Why not ? Sinisigurado ko naman safe ako."

Marahas na bumuntong hininga na naman si Yakiro bago nilabas ang cellphone nya . Bakit ba alalang-alala to saken e hindi naman nya alam na magpinsan kami .

"Kaylangan malaman ni Alex na nandito ka." sabi nya habang nagtitipa sa cellphone

"Go ahead . Gusto ko pa sanang mamuti ang buhok ni Xander sa kakahanap saken kaso nangingialam na kayo . So , aalis nako . Bye!" sabi ko at mabilis na lumabas ng classroom

Inside Of The Gangster World 2; HEAVEN AND HELL Where stories live. Discover now