Chapter 39

690 29 9
                                    

THIRD PERSON POINT OF VIEW

Abala si Xen sa paglalagay ng parachute kay Reese. Sinisigurado nyang tama at hindi papalya ang gamit para sa kaligtasan ng kaibigan.

Hindi na baleng ako wag lang sya ---piping usal ni Xen sa isip

Napangiti naman si Reese na kanina pa tulala sa lalaking nasa harap. Hindi parin sya makapaniwalang buhay talaga ang lalaking kaibigan. Kanina pa nya kinukumbinsi ang sarili na totoo ito ngunit paulit-ulit nya ring tinatanong ang lalaki at ang sarili nya kung totoo nga ba to o dala lang ng sitwasyon.

"I'm real Michiko. Stop looking at me. Hindi ako makapag-concentrate. Mali-mali tuloy."

"Ang sabihin mo bida-bida ka. Kanina mo pa inaayos yan wala namang nangyayari." natatawang asar ni Reese sa lalaki

"Alam ko to. Wag mo lang akong tingnan, magagawa ko to."

"Just reminder Xen. You only have 19 minutes to fix our parachute. Kung ayaw mong maging turbo chicken tayo dito."

"Oo tapos yung mga pating sa dagat ang kakain satin. Saya non." walang buhay nitong saad

Hindi magawa ni Xen ng ayos ang dapat gawin dahil sa babae. Hindi na maalis ang paningin nito sa kanya at bawat segundo rin nitong kinukurot ang muka at katawan nya para lang daw makasigurado syang buhay daw ito. At nagiging dahilan iyon para malito sya sa pagkakabit ng simpleng parachute kay Reese. Kinakabahan sya na naiilang. Marahil dahil sa tagal ng panahon nung huli silang nagkalapit ng ganito, nang walang harang.

Pagtukoy nya sa maskara nila, kaya ganon na lamang ang kakat-wang nararamdaman nya.

"Finally! After 7 minutes and 38 second---"

"---and thirty two na kurot."

"Psh! Nabilang mo pa yun?"

"Of course. Kada kurot mo, inuulit ko yung pag tack ng magkabilang dulong."

"Okay. Let's proceed to your parachute."

Sumang-ayon naman si Xen at agad na hinanap ang isa pang kulay abong bag na dala nya. Nataandaan nyang sa isang upuan nya iyon nilagay ngunit nakakapagtakang wala na ito roon.

"Nasan na?" tanong ni Reese na tumutulong nadin sa paghahanap ng bag sa bawat upuan

"I'm sure dito ko nilagay yon." turo ni Xen sa upuang hindi kalayuan sa kanila "Shit!"

"Tingnan natin sa bandang unahan. Baka nasipa mo don."

"Saan sa tingin nyo kayo pupunta?"

Gulat na napalingon si Xen at Reese sa nagsalita.

"Sino ka naman?" inis na tanong ni Reese

Siguradong tatagal kami sa loob ng eroplano pag pumapel pa to---inis na sabi ni Reese sa isip nya. May ilang minuto na lamang sila para makalabas bago tuluyang sumabog ang mga bomba sa loob ngunit pagminamalas ka nga naman, talagang may hihirit pa.

"Tinatanong ko kayo. Saan kayo pupunta? May hinahanap ba kayo?" tumango ito bago itinaas ang hawak "Ito ba?" sunod-sunod ang pag iling nito na para bang nalulungkot para sa nakikita ng dalawa

Nagtagis ang bagang ni Xen ng makita ang sira-sirang kulay abong bag na nasa kamay ng ampon ni Wilson Samar. Nakangisi at mapang-asar itong nakatingin sa dalawang magkaibigan na hindi mawari ang ekspresyon.

Piping natawa si Dansel dahil sa galit at panlulumong nakita nya sa muka ng babae habang nakatingin sa hawak nyang bag. Kinuha nya ang pagkakataon na parehong okupado sa isa't isa ang dalawa nung kunin nya ang isa pang parachute, hindi man lang sya nahirapan dahil nasa baba ang bag at parehong nakatalikod sa gawi nya ang mga ito.

Inside Of The Gangster World 2; HEAVEN AND HELL Where stories live. Discover now