Chapter 18

1.6K 79 8
                                    

REESE POV

Pagkatapos ng nakakahiyang pangyayare sa court kanina. Nandito padin naman ako ang kaibahan nga lang nagkainterest nako sa laro dahil sa ganda at higpit ng laban.

Yung nangyare kanina ay parang laban ngayon. Parang inihip nalang ng hangin dahil pagkatapos ng asaran kanina ay nawala nadin agad yun ng magsimula ulit ang laban. Naging mas maganda ang laban habang tumatagal dahil nagiging seryoso at patas na ang laban.

Nung 2nd quarter natapos ang laban sa score na 24-25. Still AU is on the lead. Could you believe that? Para lang silang naghahabulan sa court kanina kapwa ayaw magpaiscore. Talagang kanya kanyang diskarte ang bawat school kung pano nila poprotektahan ang kanilang court.

In 3rd quarter nag end ang laban sa score na 44-37. Nabaligtad naman ang laban. Bakit? Humataw na kase ng sobra si Markus at Jack. Gumawa sila ng kakaibang moves pero hindi naman daw void yun, Ayon kay Steve.

At ngayon ang score ay....

"79-90. Hay grabe! Mababawe pa kaya yan?"

Halata sa boses ni Mitch ang pag aalala . Ako hindi naman nag aalala kung manalo or matalo pero mas maganda padin ang manalo. Ayokong matalo. Tsk!

Pero sa tingin ko mahahabol payan. May 7 minutes pa naman at sigurado akong mahahabol payan. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang paniniwala kong mababawi pa nila ang lamang ng AU pero talagang nafefeel kong kaya pa. Basta kaya pa yan kahit lahat ng mga players ng DFA napapagod na. At ang tahimik nadin ng mga cheerer dito sa pwesto namin.  Ilang minuto or oras nadin ang lumipas simula nung huling ingay nila at nagmimistula na silang nawawalan ng pag asa.

Kahit naman sino mawawalan ng pag-asa pag ganito ang score. Parang grade mo lang sa Math at P.E . 79-90. Tsk! Tsk! Tsk! Nakakapanghina nadin ng loob plus payong fact na ang lakas ng cheer dito sa court at lahat yun para sa AU. Nakakarindi sa pandinig ang tilian at mga pag chicheer nila. Parang nanalo na sila kahit hindi pa naman.

"Nakakawa naman si Markus. Pagod na pagod na sya."

Napatingin ako kay Markus na patuloy pading nakikipag agawan ng bola at maswerteng naagaw nya yun bago dire-diretsong tumakbo ng mabilis papunta sa kabilang court at mabilis na shinoot ang bola ng walang kahirap hirap.

Smooth lay up >_____<

Lay up ba tawag doon? Tsk! Basta wala naman akong alam dyan. Yun nayun. Ang ganda ng pagkakashoot nya at parang slow motion payung magtapak ng mga paa nya sa sahig ng court at lalong umingay ng parang batang ngumiti sya. As usual nawala na naman yung mga mata nya.

Chinito!

Naghiyawan ang mga kababaihan sa loob ng court. Mapa DFA man o ibang school lahat sila walang kawala sa karisma ni Markus. Kahit 2 points lang ang naidagdag ng ginawa ni Markus anlakas na ng tilian. Akala mo naman yung ginawa nyang yun nagpalamang na sa kanila. Tsk? Kung kanina parang Math at P.E , ngayon parang Biology at P.E na kahit papano level up na. Buti pa to naglelevel up

Hindi katulad nyo ng crush mo hanggang ngayon kina- crushzone ka padin.

May ganon ba? Crushzone? >_<

"Grabe si Markus! Hataw sa kagwapuhan." natatawang sabi ni Mitch

Hindi ko nalang sya sinagot dahil naagaw ang atensyon ko ng pag tunog ng time out buzzer. Nagsibalikan ang mga bawat players sa kani-kanilang bench pero ang kaibahan lang ang AU sobrang magsingiti habang ang DFA naman ay hindi naman halatang lugmok sila pero parang ganon nadin.  Tumayo si Markus sa harap ng iba pang player ng DFA habang may towel sa balikat at bottle water sa kanang kamay na binigay ng mga cheerleaders at water boy.

Inside Of The Gangster World 2; HEAVEN AND HELL Where stories live. Discover now