Chapter 26

726 45 4
                                    

REESE's POV





Hindi katulad kahapon na mangilan-ngilan lang ang tao sa bahay nila Red ngayon ay dumami na ito. Hindi lang ako sigurado kung kaanu-ano nila ang mga bagong dati pero nag-uusap usap sila sa hindi maintindihang lenggwahe . Karamihan sa mga bagong dating ay mga kababaihan , meron din namang mga lalaki pero ang napansin ko lang ay lahat sila ay may kanya-kanyang ginagawa . May naggagayat ng mga sangkap , may nagpapaapoy sa malayo gamit ang mga kahoy at meron din namang nagsisimula ng magluto . Nalilito ako sa paroon parito nila kaya naman lumabas ako papunta sa gilid ng bahay nila Red kung saan nagtitipon sila para sa hindi ko alam na bagay. Mas nakita kong marami pala talagang bagong dating at lahat sila ay may pinagkakabisihan pero nung lumabas ako ay naagaw ko ang atensyon nila.

"Abay , ito ba ang nobya ni Kier ? Napakagandang bata naman niyan." sabi ng isang may edad

"Oo nga no ? Totoo pala ang balita na may kasama si Kier."

"Ano ba kayo ? Kagigising lang ng bata wag nyo munang ganyanin." nakangiting sabi ni Tita Vivian habang naggagayat ng sibuyas "Sige na Reese iha. Mag agahan ka muna . Kyruz tawagin mo na ang Kuya mo . Sabihin mo ay gising na ang nobya nya ."

Alam ko namang may diin yung salitang nobya pero di ko pading maiwasang mahiya lalo na sa nangyari kagabi. Kada pumapasok sa isip ko na nakita kami ni Tita Vivian na naghaharutan sa labas ng bahay nila kagabi hindi ko pading maiwasang mahiya. At akalain mo yun , Nahihiya na talaga ako ngayon. Paano ba naman kase si Panget paakbay akbay pa akala mo lalayas ako ,E magkatabi lang naman kaming nakaupo sa hagdanan . Ayon tuloy , nakita kami don.

"What are----Anong ginagawa mo pa dito?"

Napalingon ako sa likod ko dahil sa nagsalita na syang pinagsisihan ko dahil sa mapang-asar nyang ngiti saken na parang pinapaalala ng ngiti nyang yon yung mga pinagsasabi ko kagabi at yung mga kadramahan namin.


May pa- I stay with you pa kase !


"Just wondering..." pabulong kong sabi

"Kain na tayo . Bago pa ikaw ang...." napatingin ulit ako sa kanya dahil sa pambibitin nya sa sasabihin

"Ang???" ngumisi lng ang mokong bago hinablot ang kamay ko at naglakad sa kung saan


Para akong batang nagpapahila sa kanya kung saan man nya ako dadalhin hanggang sa huminto kami sa likod ng bahay nila. Ngayon lang ako nakapunta dito kaya inikot ko pa ang mata ko sa kabuuan ng lugar at bahagyang bumuka ang bibig ko dahil sa nakita .

Napakaraming bulaklak at ibat-ibang uri ng mga halaman sa paligid at may mga nakikita din akong mga gulay na tanim. May iba ding mga tao dito pero hindi katulad doon sa pinanggalingan namin na puro may edad , dito naman ay mga kabataan. May mga dalaga at binata din. Napatingin sila samin ng lumapit si Red sa lamesang mahaba kung nasaan sila bago ako pinaghila ng upuan at umupo. Naglakad naman sya papunta sa kabilang parte ng mahabang lamesa at kumuha ng dalawang plato at nilagyan yon ng mga pagkain na mukang niluto na kanina. Napakaraming pagkain don pero hindi ko padin alam kung bakit. Bumalik si Red sa kinauupuan ko bago nilapag ang isang plato na punong-puno ng pagkain bago sya humila ng sariling upuan na nilapit saken at naupo nadin.

"Sobrang lapit mo naman." mahinang reklamo mo , mahirap na baka marinig kami ng mga nandito

Pero ang baliw lalo pang lumapit saken bago nilagay ang kanang braso nya sa sandalan ng upuan ko at bahagyang nakaharap saken . Pinanlakihan ko sya ng mata pero nginisian lang ang bwiset.



"Subuan moko." sabi nya at ngumanga pa

"What are you infant ? Toodler ?" inirapan ko sya bago sumubo ng sariling pagkain

Inside Of The Gangster World 2; HEAVEN AND HELL Where stories live. Discover now