Chapter 27

705 44 11
                                    

REESE's POV





Hindi ko alam kung ilang oras kaming naglibot sa peryaan at naglaro ng kung anu-ano at lahat ng gastos ay si Bit ang gumastos. Hindi na ako nahiya dahil sya naman ang nagyaya saken na subukan lahat ng mga laro. Simula kase nung narealize ko yung sinabi nya at yung sinabi saken ni Markus ay halos magkapareho hindi na iyon nawala sa utak ko. Pakiramdan ko nawalan ako ng ganang alamin kung ano bang meron sa peryaan na to dahil sa mga narinig at narealize ko.

Si Shaina yung babaeng tinutukoy ni Markus na first love nila ni Red. Yung babaeng nakilala nya sa probinsya nila Panget which is dito , dito mismo sa Surigao . Yung babaeng isusurprise nya dapat kaso sya ang nasurprise kase girlfriend din pala ni Red si Shaina na girlfriend din ni Markus that time. Naiinis ako sa maraming bagay. Una na don yung part na nag -iinarte pa si Panget at yung ngumiti at nakipag-usap si Red sa Shaina na yon na parang walang nangyare pero on the other hands , hindi ko pa alam ang side ni Red. Hindi ko pa naririnig kung anong nangyare pagkatapos ng kwento ni Markus ? At higit sa lahat , nagbreak ba talaga sila ? o baka naman.....

Hindi . Hindi. Hindi . Baliw kaba Reese ? Syempre nagbreak na sila , pero bakit ganon sila makitungo sa isa't isa ? Bakit parang ang sweet padin nila ? Nakakainis ! Ang dami kong gustong malaman pero parang ayaw ko din.




"Wala ka na naman sa iyong sarili."




Tumingin ako kay Bit na pasulyap sulyap saken . Naglalakad na kami pauwi sa bahay nila Red at malapit ng lumubog ang araw , ibig sabihin kanina pa kami wala kala Panget . As if naman hinahanap ako non. Baka nga busy na yon sa panlalambing kuno ng ex or girlfriend nya .



"Pagod lang . Dami kaya nating sinubukan na games." pagdadahilan ko

"Kaya nga eh. Naubos ang pera ko."



Huminto ako sa paglalakad at ganon din sya. Tatawa-tawa pa sya nung sinabi nya na naubos ang pera nya pero hindi ako natutuwa. I slightly pout my lips and think to how can I pay him.



"Ayos lang talaga yon. Natatawa nga ako sayo eh."

"Natatawa ?" tumaas na naman ang kilay ko dahil sa sinabi nya

"Oo. Para ka kasing batang tuwang-tuwa . Pinaulit-ulit mo nga yung bola na tumatapat sa mga kulay at yung roleta na may mga bombilya." natatawang sabi nya


Inirapan ko nalang sya bago nagpatuloy sa paglalakad at agad naman syang pumantay saken habang natatawa padin.

Palibhasa hindi nya alam na first time ko makakita ng peryaan at lalo namang first time kong maglaro sa mga nilaro namin kanina . Pansamantalang nawala yung iniisip ko kanina dahil sa pagkaabala ko sa ginawa namin kaya kahit papaano nakalimutan ko yung mga nalaman ko.



"Naku Iha!"


Nagulat ako nung may matandang nasa mid 40's ang lumapit saken at hinawakan ang braso ko. Muka syang nag aalala na hindi ko maintindihan


"Aling diling ano hong problema?" tanong ni Bit sa tinawag nyang Aling Diling

"Naku ka Bitasyo! Kasama mo pala ang nobya ni Kier kanina pa ito hinahanap . Nagkakagulo na doon kala Fredo ."



Bahagyang nanlaki ang mata ko at tumingin kay Bit na hindi rin maintindihan ang gagawin. Mabilis syang nagpaalam doon sa matanda at hinawakan nya ang pulsuhan ko bago mabilis akong hinila pabalik sa bahay kubon nila Red. Kahit hindi naman tama ay dumadagundong ang dibdib ko sa kaba . Bakit hindi tama? Dahil unang-una naggala lang naman ako wala akong masamang ginawa bukod sa hindi ako nagpaalam . Pero bakit naman ako magpapaalam ? Busy silang lahat lalo na yung Panget na yon . Busy sya sa pagpapalambing doon sa Shaina na yon kaya kanino naman ako magpapaalam ?

Inside Of The Gangster World 2; HEAVEN AND HELL Where stories live. Discover now