Chapter 20

856 65 17
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Lahat ay nag aabang at nananabik sa mangyayareng laro sa pagitan ng dalawang malakas na paaralan sa kasaysayan ng imagination ng nagsusulat. (Cheret!)

Larong baseball. Ang sport na hindi sikat sa pilipinas pero nagawang punuin ang kabuuan ng stadium ng napakaraming tao. Kung susukatin ang kauubuan ng stadium pwede itong ikumpara sa Araneta Colosseum sa sobrang laki . Samot saring mga paaralan ang nasa loob ng stadium pero pinaka maingay ang dalawang paaralang magtutunggali .

DON JULIO XAVIER UNIVERSITY (XU) 

Nakasuot ang mga estudyante nila ng kulay asul na t-shirt at P.E pants na kulay asul na may puti sa gilid at lahat sila ay may mga hawak na pampaingay katulad ng mga bote ng mineral na walang laman , bote ng mineral na may lamang mga holen at nagkikintabang pompoms na kulay asul . May mga cartolina kung saan nakalagay ang mga pangalan at numero ng mga player na susuportahan nila.

At kung usapang pampaingay nalang din naman. Hindi mawawala ang mga magwawalang unggoy na akala mo nakalabas sa Manila zoo sa sobrang wild at hyper. Hindi pa man nag uumpisa ang laban nag iingay ,  nagsisitilian at nagtatatalon na sila na animong nasa kalagitnaan na ng mainit at mahigpit na laban samantalang wala pa namang players sa mount at sa kabuuan ng field na paglalaruan. (Nakalimutan ko yung tawag sa baseball stadium,  yung parang field .Ah basta!😅 Mahina signal ko hindi ako makapag research)

Habang sa kabilang paaralan naman ay parang hindi rin naiiba sa XU.

DEATH FEAR ACADEMY (DFA)

Nakasuot sila ng pulang t-shirt at P.E pants na kulay pula na may itim sa gilid at may malaking drum sa gilid nila na pinapalo-palo ng isang lalakeng sa DFA din nag aaral. May mga hawak din silang bote ng mineral na walang laman at may mga holen. Syempre meron ding hawak ang mga babae na kulay pula at makintab na pompoms . Ang kaibahan lang ng XU at DFA ay may malaking banner ang DFA na may nakalagay na pangalan ng school which is DEATH FEAR ACADEMY sa sobrang laki non kinabog pa ang mga pabanner ng mga K-pop Fans at mga pabanner ng mayor nyong magaling lang pag botohan pero kahit bumabaha na hindi padin nagpapasuspende ng pasok . Letche! (Online schooling can't relate pati si module hindi din blehh)

Sa kabilang banda :

Locker Area

Tahimik na nakaupo ang grupo ng DFA at XU sa kani-kanilang locker bench.

Ang itsura ng locker room ay isang mahabang itsurang pasilyo na may bakal na upuan sa gitna at ang magkabila ay locker compartment . May kanya kanya silang buhay at lahat sila kalmado sa nalalapit na sagupaan sa stadium.

"Hey Villanueva." tawag ng kapitan sa kabilang grupo

Tiningnan lang ito ni Red at tinanguan na para bang hindi importante ang kausap na sya namang kinainisan ng kapitan ng kabilang grupo pero binalewala nalang ito at nagkwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay

"Andyan na si Sip." pabulong na sabi ni Eric sa mga kagrupo habang nag aayos ng lace ng sapatos nya

Napatingin halos lahat ng mga nasa locker room sa bagong dating na si Casper. Binaba nya ang sport bag sa bakal na bench at hinarap sila Red at Eric habang nakabusangot

"Nakita nyo yung manika nyong kaibigan? Pakisabi naman wag syang paimportante!" inis na sabi ng bagong dating

Nagmistulang may dumaang anghel sa loob ng locker room dahil sa biglang pagtahimik ng mga tao doon maski ang kabilang paaralan ay tila nakaramdam ng kakaiba sa parte kung nasan ang bagong dating na si Casper The Ghost at Red The Ugly Creature .

"Anong problema nun?" si Eric

Nagkibit balikat lang ang ibang members at bumalik sa pag aayos at pagkokondisyon sa sarili. Habang masamang nakatingin naman si Red kay Casper.














Helllooooooooo . Need ko magre-read from the start as in from the start sa book 1 I mean . Nako po ! (Face palm)  . Aayusin ko nadin ang mga susunod na chapter para ayos 😅 Hindi ko na kase mafeel yung story kaya need kong magre read at heto pa, kapapanganak ko lang sa baby girl ko kaya hello tayo sa sobrangggggggg bagallllllllll na update. Hehe sorry naman po.

Love lots 💞❤

Inside Of The Gangster World 2; HEAVEN AND HELL Where stories live. Discover now