Chapter 40

720 34 20
                                    

"---tapos ayun... Tinulungan mo ako makatakas kala Daddy at Lolo. Sinama mo ako sa pagtatanan nyo ng boyfriend mo."

"Grabe naman pala si Pula. Grabe! Hindi ako makapaniwala. Ang bait-bait nya samin tapos ganon? Ang saklap pa kasi sa mismong araw ng birthday mo nangyari yun. Binigay ka nya sa tatay nya sa mismong kaarawan mo. Hindi ka man lang binati. Hayy..."

"Ganon talaga ang buhay."

"Pero si Tatay..."

Mapait akong napangiti at lumanghap ng sariwang hangin galing sa bukid.

Iba talaga ang probinsyang malayong-malayo sa sementadong daan at maingay na siyudad. Napakagaan ng pakiramdam at talagang makakapag-isip ka ng maayos.

Yung walang busina ng mga sasakyan, walang palingkerang kapitbahay at higit sa lahat, walang pamanghusgang mata na waring pinangdidirian ang kinahantungan mo ngayon.

"Pero talaga bang patay na si X-xen?Kasi diba sabi mo akala mo dati patay na sya. Ayun pala sinabi lang yun ng magulang ni Xen para hindi na mapalapit sayo."

Malinaw na malinaw. Parang kahapon lang nangyari lahat. Nagawa nyang saluhin ang mga balang dapat sa akin, ganon padin sya katulad ng dati. Selfless at the same time selfish. Makasarili kasi hindi nya inisip ang mararamdaman ko, di makasarili kasi mas inuna nya ako kumpara sa sarili nya.

At natapos na naman iyon ng isang ngiti.

Isang masaya ngunit masakit na ngiti

Isang ngiting inakala kong hindi ko na muling makikita pero napabigyan ako ng katiting na oras para makita muli yon ngunit mabilis din tinapos ng isang ngiti ang lahat.

Katulad ng dati, isang ngiti ng kaibigang nagmamahal ng sobra sa kaibigan nya. Isang ngiti na nagsasabing wala kang kasalanan at isang ngiting nagpapahiwatig ng lubusang pagtanggap sa kahihinatnan nya.

Huminga ako ng malalim bago nakangiting lumingon kay Senay

"Oo. This time for real."

"Hayy... Buti nalang hindi ako pinanganak na mayaman. Ang complicated ng buhay ng mayayaman."

"Noon yun Senay. Hindi na kami mayaman ngayon. May mayaman bang nagtitinda ng gulay sa palengke?"

Sabay kaming tumawa ng malakas. Halos umecho pa sa kabuuan ng taniman ng gulay ang tawa namin dahil sa sobrang lakas.

Ito na ako ngayon at wala akong pinagsisisihan don.

Nagtatrabaho sa farm ng isa sa mayamang pamilya dito sa lugar. Nagluluto at nagpapaorder ng mga kakaning tinuro sa akin ng nanay ni Danilo, asawa ni Senay. At higit sa lahat, nagtitinda ng sariwang gulay sa palengke.

Sa madaling salita, isa na akong all around---

"MAMA!"

Hagikhik at tawanan ng tatlong bata ang nagpatigil sa kwentuhan namin ni Senay.

Matamis akong napangiti ng nakitang halos magkanda-dapa ang batang babae papunta sa gawi namin habang hawak ang isang kulay ubeng manika. Tawa naman ng tawa ang dalawang batang lalaki na may hawak na saranggolang paru-paro.

Butterfly... Remind me of my family

For five years. Iisang tao lang ang hindi nagsasawang magpabalik-balik dito para kamustahin ako. Pero hindi ko kaylan man binigyan sya ng pagkakataong makausap ako simula nung nalaman kong may asawa't anak sya. Lalo na nung muntik ng mamatay ang anak nya dahil sa pag aaway nila ng asawa nya.

At ang dahilan ng pag aaway nila ay ang lagiang pagpunta nya dito.

"Mama si Uno nakatapak ng tae ng kalabaw."

Inside Of The Gangster World 2; HEAVEN AND HELL Where stories live. Discover now