Chapter 19

3.2K 128 161
                                    

REESE POV

Kung tatanungin nyo ako tungkol sa game. Ang sagot ko ...

"HINDI KO ALAM"

BAKIT? Kase nasa labas nako ng court . Naiinis nako sa sobrang ingay sa loob. Sumasakit na ang tenga ko sa lakas ng sigawan don. Pero hindi ko naman sila masisisi. Ang ganda ng laban. Halos matulala nadin ako sa ganda ng laban. Panay ang puntos ng DFA lalo na si Jack at Markus. Panay ang hataw nila sa score.

Bukod padon panay ang gawa nila ng mga kakaibang strategy. Kaya naguguluhan yung kalaban kung pano sila kikilos.  Bago naman ako lumabas nakita ko yung score. Lamang na ang DFA na may score na 108 habang ang AU naman ay nagstick na sa 90. Parang na stiff neck kaya hindi na nakalagalaw. Naparalisa na ata. ʕ•ε•ʔ

At yung oras parang 1 minute nalang at hawak ng DFA ang bola kaya naman lumabas nako dahil umiingay na lalo. Sobrang ingay na lalo nadon sa tabi ko. Grabe makasigaw sila Mitch akala mo sila yung cheerleaders  sa sobrang pagka fan girl. Grabe!

-_________-

Naglakad-lakad nalang ako hanggang napunta ako sa Cafeteria 1 na kinainan namin kanina . Medyo marami nading tao kahit feeling ko halos lahat ng tao nasa basketball court at sa iba pang sport pero nagkamali pala ako dahil yung iba nasa cafeteria. Kung sabagay, favorite subject ng lahat recess at lunch break.

Napasulyap ako sa wall clock na nasa gitna ng menu habang naglalakad ako papasok at napabuntong hininga nalang ako ng nakita ko ang oras.

10:13

Talagang tama lang na nandito ako. Kakain nalang ulit ako ng marami para makapaglaro na.

Inayos ko ang dala kong sport bag at bahagyang binilisan ang paglakad papunta sa counter area. Habang naglalakad ako ramdam ko ang panaka-nakang tingin saken ng mga tao sa loob at alam ko na ulit kung bakit sila tumitingin saken.

"Yes Ma'am. Ano po ang sa inyo?" nakangiting tanong saken ng lalakeng cashier

Tumingin ako sa menu. Halos wala namang pinagkaiba ang pagkain dito sa pagkain sa DFA. Kaya yung mga trip ko ang mga inorder ko.

"Give me 1 order of lasagna, 1 slice of Hawaiian and Overload pizza , Chicken finger and Spaghetti with chicken."

"How about drink Ma'am?"

"Ah yeah! Hmm... 1 bottle of water and pineapple juice. Oh wait! And 1 cup of vanilla ice cream. How much?"

"Card Ma'am."

"Pardon?"

"Card po Ma'am. Yun po ang pinangbabayad dito."

"Hindi naman ako student ng AU. You see?" sabi ko habang nakaturo sa uniform ko

"Oo nga po Ma'am. Pero may prinovide pong card per school. Wala po ba kayo?"

Napaisip naman ako bago lumitaw sa isip ko yung card na inabot ni Mitch kanina nung kumain kami. Napabuga nalang ako ng marahas sa naisip ko.

Pagkatangahan talaga ang umiral sapul na sapul ka. Bwiset!!!

"Give me chicken burger with mustard. Pakidamihan ng mustard ha? Salamat!"

Napatingin ako sa likod ko at bahagyang napatingala dahil sa matangkad ang nagsalitang iyon sa likod ko. Nakatingala sya sa menu pero dahang-dahan nyang binaba ang paningin nya saken at bahagyang nanlaki ang mata nyang nakasalamin na pang nerd.

Yung katulad ng kay Harry Potter

Nakabagsak ang buhok nyang itim na itim at nagmamalaki naman ang aristrokata nyang ilong na sobrang tangos at sobrang bumagay sa salamin nya. Although hindi mawala ang nerd awra nya. Ang makapal nyang kilay na bumagay naman sa muka nya, ang bagang nyang parang naghahamon ng away dahil sa ganda ng hulma non at higit sa lahat at ang pinaka nakakuha ng atensyon ko ay ang mata nya.

Inside Of The Gangster World 2; HEAVEN AND HELL Where stories live. Discover now