Chapter 4

1.9K 78 0
                                    

"Anong date pala ngayon ?"

Nagtatakang tanong ko kala Madear at sa dalawang baklang kasama nya . Nung pinapasok ko sila dito ay paulit-ulit nilang hinagod ng tingin ang katawan ko partikular na ang muka ko . Akala ko nung una dahil namukaan na naman ako bilang si Steel ,pero nagkamali ako . Namukaan nya daw ako dahil pinakita daw ni Sabrina ang picture ko dati bago ang acquaintance kaya daw namukaan nya ako . Kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataong tanungin kung anong nangyayare na sa DFA .

"October 3 na bakla." sabi nya habang inaayos ang buhok ko habang yung isang bakla naman ay sa muka ko at yung isa ay katulong nya "O ayan . Mas gumanda kana." masiglang sabi nya

Hindi ko nagawang pagtuunan ang salamin dahil sa una nyang sinagot . Nabibingi naba ako ? Sa pagkakarinig ko kase October 3 . Pero imposible , August 8 yung laban ko tapos October 3 na ngayon ? Ayun yun higit dalawang buwan akong nasa mansyon at tulog ?

"Hoy babaita tingnan mo na ang sarili mo sa salamin . Ang ganda-ganda mo lalo pero sa iba ka naman nakatingin ."

"Totoo bang October 3 na ngayon ?" hindi padin makapaniwalang tanong ko

"Ay Gaga . Oo , October 3 ngayon . Bakit parang hindi ka makapaniwala ?"

"Imposible ."

"Ay bahala ka . O ayan ," ipinihit nya ang muka ko paharap sa salamin "Dyan ka tumulala , nang masabi ko sa sarili kong kaya pa kitang pagandahin lalo."

Bahagyang bumuka ang bunganga ko dahil nakita ko ang sarili ko sa salamin . Kung medyo malayo mahihirapan kang makilala ako dahil sa bangs ko . Pinaputulan ko ang buhok ko hanggang sa braso at ginawa nya yung wavy naglagay na din sya ng thin bangs na wavy din . Sabi nya saken kanina mas lalong gaganda pagkinulayan pero mawawalan nako ng oras kung pakukulayan ko  pa . Okay narin to atleast new look . Nagpamanicure at pedicure nadin ako kanina simpleng kulay pula lang . Mas bagay daw saken yun kase maputi ako . Nilagyan nya nadin ako ng light make up na kahit papaano nagpatapang lalo sa namumutla kong muka kanina .

"O anong masasabi mo sa mahiwagang kamay ng Lola mo ?" tanong nya saken habang nagliligpit ng damit

"Nice." simpleng sagot ko

"Ay speechless ba bru ? Aba'y dapat lang . Ang hirap kaya magpaganda ng maganda na."

Bahagya akong napangiti sa sinabi nya bago ako pumasok sa kwarto ko at kumuha ng ilang libo sa bulsa ng trino pants ko bago lumabas ng kwarto at inabot sa kanila ang pera.

"Bru sobra-sobra to ." sabi nya habang binibilang yung binigay ko

"Ayos lang yan . Worth it naman."

"Naman . Ako pa ba." proud na proud na sabi nya "O sya magbihis kana , at titingnan ko kung maganda nga."

Tumango nalang ulit ako sa kanya bago kinuha yung mga paper bags sa couch at dinala ko sa kwarto . No choice naman ako kung hindi suotin tong binigay daw ni H.G dahil wala akong isusuot . Una kong sinuot yung black na panty bago yung black na push up bra . Napangiwi ako nung mapatingin ako sa salamin dahil dun sa boobs ko . Magkadikit na magkadikit sya at bahagya pang nakataas . Inilingan ko nalang yun bago ko sinuot yung dress . Mas lalo akong napangiwi nung tingnan ko ang kabuuan ko sa salamin . Dahil v-neck yung dress ay kita ang cleavage ko , at nakakailang yun . Mabuti nalang at may pangpatong . Kinuha ko yung manipis na coat bago ko pinatong sa balikat ko . Sinipat ko ang sarili ko muli sa salamin pero hindi ako komportable kaya naman binotones ko yung pinakaunang botones which is sa leeg para kung sakaling humangin ay hindi liliparin dahil nakabotones sya . Pagkatapos kong gawin yun ay kinuha ko yung stilettos sa box at sinuot yun . Nakakagulat na saktong-sakto lang saakin yung high heels parang nakalaan talaga para sa paa ko . Pagkatapos kong muling sipatin ang sarili ko sa salamin ay kinuha ko yung ilang libong cash na natira saken bago ko nilagay sa purse . Sa huling beses ay pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng kwarto at naabutan ko yung tatlong bakla na kinakain yung inorder kong cakes and milk tea . Napatigil sila sa pagkain nung mapansin nila ako at kayabangan mang sabihin pero kitang kita ko sa mga muka nila na nagagandahan sila saken . Well ! Who wouldn't be ? Right ?

Inside Of The Gangster World 2; HEAVEN AND HELL Where stories live. Discover now