Special Chapter

888 32 23
                                    

"Senay matagal pa bang aalis to?"

"Kalma kalang Reese. Malapit ng mapuno."

I keep looking everywhere especially in front of the bus. My hands is trembling because of nervousness. Natatakot akong bigla nalang sumulpot ang mga tauhan ni Lolo at hilahin ako pabalik.

Hindi rin nakakatulong na pakiramdam ko pinagtitinginan ako ng mga taong nadadaanan namin kanina. Lalo lang kumalabog sa kaba ang puso ko dahil sa kakaibang tingin nila.

"Ayos lang ba ang kaibigan mo Senaline?" tanong ng nobyo ni Senay

"Ano sa tingin mo?!" inis at may halong galit na tanong ni Senay, galit na hindi ko alam kung saan nanggaling

"Namumutla ka at may mga benda at gasa sa katawan pati ulo. Kaya ka nila pinagtitinginan... tapos nakapantulog kapa." sabi nito sakin at parang nasagot non ang dahilan kung bakit weird ang tinginan sakin ng mga tao

"Chismosa kamo sila."

Malakas ang pagkakasabi non ni Senay kaya nagsiiwasan ang mga taong kasabay namin sa loob ng bus

"Ano bang nangyari sa kanya? At saan ka galing?"

Instead of answering her boyfriend's question, she ask "B-bakit ba ang tagal? Baka malaman na ni Nanay na nasa Maynila na ako. Naku! Mabubulilyaso pa."

"Kumalma kalang din. Oh ayan sumara na yung pintuan ng bus."

Sabay kaming nagbuga ng hininga ni Senay nang magsimula ng umandar ang bus na sinasakyan namin. Sobra ang tahip ng dibdib ko sa takot na maabutan nila dito. Buti nalang pag kaalis namin ni Senay sa clinic dumiretso kami sa maliit na apartment na tinitirahan nila, mabilis na nag impake si Senay habang nalilito naman ang boyfriend nya sa ginagawang pagmamadali ng kanyang nobya. Mabuti nalang at hindi na ito nagtanong bagkos binitbit nya ang mga gamit nila at dumiretso sa terminal ng bus kasama ako.

Sumakto lang ang oras at araw ng pagkikita muli namin ni Senay, nagkataon pang balak pala nilang umuwi sa probinsya ng boyfriend nya. Hindi nga lang daw dapat ngayon pero nang makita nya daw akong hinihila ng mga lalaking nakamagarang damit ay agad daw syang nakapagdesisyong umalis na ngayon at isama ako.

"Alam kong pangbobo itong tanong ko sayo. Pero... buntis kaba?" nag-aalangang tanong nya

Tumingin ako sa kanya pababa sa may kalakihang tiyan nya. Napabuntong hininga ako at umiling bago tumango.

"Ha? Oo o hindi?"

"Hindi ko alam. Sabi lang ni Lolo---"

Huminga ako ng malalim at ikinuyom ang kamay ko. Nagsisimula na ako makaramdam ng matinding galit.

Galit kay Lolo dahil kaya nyang patayin ang sariling laman at dugo ng sarili nyang apo para lang sa katahimikang inaais nya kahit pa alam nyang mali ang pamamaraan nya at masasaktan ako

Galit kay Daddy dahil wala syang ginawa para tulungan ako. He just watch me being dragged by their mens inside of the goddamned abortion clinic.

Galit sa iba naming kadugo dahil wala ni isa sa kanila ang pumigil kay Lolo nang makita nilang inilalabas ako ng hospital

Galit kay Red dahil isa syang malaking gago! Nandon sya! Humihingi ako ng tulong sa kanya pero anong ginawa nya? Tinalikuran nya lang ako at umalis?!

Anong klaseng tao ba sya?! O tao ba talaga sya?! Napakagago nya!

In order to save his own life, he left me. He left us!

Kahit sana tinulungan nya ako para sa magiging baby namin pero hindi! Mas inuna nya parin ang sarili nya
Napamakasarili!

Inside Of The Gangster World 2; HEAVEN AND HELL Where stories live. Discover now