Chapter 23

769 44 15
                                    

REESE's POV



🎶Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan , hanggang ang puso'y wala ng nararamdaman 🎶

Bagay na bagay yung kanta sa sitwasyon ko ngayon , Ang magiging lyrics nga lang ay ....

🎶Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan , hanggang ang pwet ko'y wala ng nararamdaman🎶


"Nasaulo ko na ata ang buong Merriam Dictionary all language pa hindi parin tayo nakakarating sa home town home town na yan." mahina at naiinis na sabi ko

Realtalk : Wala ng pakiramdam yung binti ko pati yung pwet ko ilang oras na kaming nabyahe at nahilo nako kakatingin sa mga nadadaanan namin na hindi naman pamilyar saken


Pero kung sabagay. Batangas na home town ko hindi ko pa saulo ang pasikot-sikot , Eto pa kayang Home Town ni Mother---- nya. Mother nya !


Idagdag pa yung nakakarinding katahimikan sa pagitan namin. Nakailang bulong nako pero sya dedma padin. Hindi na talaga ako magtataka kung magsasalita to mahihimatay ako sa baho ng hininga nya. Ni hindi man lang mukang namamanhin ang pwet nito di katulad ko na panay ang palit ng pwesto mawala lang yung pagiging uncomfortable ko . Hindi ko na nga alam kung ilang oras na kaming nasa byahe , Ni hindi man lang kami huminto sa kahit anong landmark or restuarant kahit man lang dumaan sa drive-thru hindi din. Tibay ng muka nitong mangidnap,  Cheap naman. Buti pa nga yung mga kidnapper pinapakain yung mga kinidnap nila samantala ako hindi man lang painumin ng tubig.


"Were going to eat."

"SA WAKAS!!!"


OA yung pagkakasabi ko pero buti nalang talaga at nakaramdam ang mokong na pulang panget dahil kung hindi pa sya makakaramdam magpapakamatay na talaga ako. Legit walang halong biro pero may.....

Chawot ! Parang si Krass mo . Kinrass back ka with Chawot. -_____-



"Thank you so much Villanueva . Niluwa ka ng lupa. Thank you so much!"


Another overacting say ni Reese na maganda . Ngayon ko lang nalaman na nakakabaliw ang gutom. Never in my life na nagutom ako---NO! MALI , MALI , MALI. Let me reprase it. Never in my life na GINUTOM ako . Tama! Ginutom ako ng kung sino. The food is always serve infront of me before meal time and after meal time . Di nyo nagets ? Ako din di ko nagets. Basta ayun na yon.


Kahit wala akong alam sa lugar nangunguna pa akong lumakad kay Panget. Hindi ko alam kung saan kami tumigil pero matao yung lugar pero hindi yung mataong magulo.  Maraming tao at marami ding mga iba't ibang klase ng ilaw , may mga christmas lights , christmas decor pero meron din namang mga pang halloween decor. Maganda yung lugar at amoy palang grabe na yung pagkulo ng tyan ko. Ang bango bango Hmmm!

"Where are you going ?"


Napatigil ako sa paglalakad at nagtatakang tumingin kay Panget na nasa kaliwa ko .


"Dito." turo ko sa isang restuarant na nasa harap ko , mula dito sa kinatatayuan ko kitang-kita ko ang dami ng tao sa loob at masasarap na pagkain. Salamat sa glass wall .


Wow!


"Tch!"


Tinaasan ko sya ng kilay ng mabilis syang lumapit saken at hinawakan ako sa pulsuhan bago hinila sa kaliwang bahagi ng lugar . Nagpahila nalang ako sa kanya afterall sya ang may alam sa lugar nato. At baka mamaya sa mas masarap na restuarant nya ako dalhin. Tamang-tama din habang nakain ako titingnan ko nadin ang mga menu nila dito baka sakaling may makuha akong bagong ideas para sa business ko. Kumunot ang noo ko at muntik ng magsampalan ang kilay ko dahil pumasok kami sa lugar na marami din tao, mausok hindi yung mausok na sigarilyo eto yung klase ng mausok na masarap sa pang-amoy at open space na .....


Inside Of The Gangster World 2; HEAVEN AND HELL Where stories live. Discover now