Chapter 16

1.5K 62 0
                                    

CASPER POV

No need to introduce myself. Ang masasabi ko lang sa ngayon ay hindi ako katulad ng mga lalaking nakilala nyo. Hindi ako lumaking mayaman. That's all. Kung ano mang meron ako ay dahil yun sa lahat ng mga taong nagamit ko at ginagamit ko. At ginagamit din ako

"Make sure na wala syang gagawing kastupidahan. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Yes. Ako na ang bahala dyan." walang kagatol gatol na sagot ko

Tumingin sya saken saglit bago ako tinalikuran at sumakay sa kotse nya. Alam kong para akong asong utusan. Alam na alam ko yun. Pero anong magagawa ko? Kailangan ko sya para makuha ko lahat ng gusto ko. Pati narin ang kailangan ko.

Kinuha ko yung dalawang sport bag na inabot nya saken. Isa yung akin at isa para sa babaeng mukang manika. Maamo ang muka , maliit at may misteryosang mata. Nakilala ko na sya bilang si Steel. Nung una hindi ako naniniwalang wala syang naalala pero ngayon naniniwala nako. Dahil hindi man lang nya ako nakilala at lalong hindi man lang sya tumitingin saken na parang nanghihinala. Talagang hindi nya ako naaalala

"Eto oh!" abot ko sa kanya ng sport bag

Tiningnan nya muna saglit yun bago kinuha at sinabit sa balikat nya. Kahit medyo naiinis ako sa babaeng to hindi ko padin maiwasang mamangha ng dahil sa muka nya . Anliit ng muka nya para talagang manika. Doll like feature ang muka nya parang living doll. Mas lalo pang bumagay sa muka nya yung mainipis nyang bangs.

"Oyy Reese tara----Ano yan?" takang tanong ng isang babaeng katabi nya kanina sa bus. I think their friends

"Sport bag."

Pfffttt!!! Muntik nakong matawa ng sumagot sya mabuti nalang at napigilan ko at baka ano pang isipin nito saken.

Nakakasura naman kase ang babaeng to. Literal lagi. Isang sagot isang tanong pa. Psh!

"Tange! Alam kong sport bag yan pero bakit meron ka nan? Ano feeling player Lang? Ha? Ha?"

Psh! Ingay

Kung anong kinatahimik ng kausap nya sya namang kinaingay nya. Kahit sa loob ng classroom maingay sya plus sya payong president. Parang laging nasa palengke pag nagsasalita. Palengkera.

"Tsk! Tara na nagugutom nako." kunot noong sagot ni Steel---ibig kong sabihin ni Reese

Masanay na dapat akong tawagin syang Reese kesa sa Steel dahil wala naman syang naaalala. No use kung tatawagin ko syang Steel.

"Kumain kana ng marami. Wag mong kakalimutan. 11:00 am AU Stadium. Siguraduhin mong lilitaw ka. Alam mo na ang mangyayare sayo."

Pagkasabi ko sa kanya non nauna nakong pumasok sa loob ng eskwelahan. Pero bago ako tuluyang makalayo narinig ko pang nag ingay yung kaibigan nya.

"Ano daw? Siguraduhin mo daw na lilitaw ka? Hahahaha. Ngayon ko lang nalamang palitaw ka pala."

"Anong palitaw?"

Rich kid

Pati palitaw hindi alam. Iba talaga ang mayayaman. Andaming bagay na hindi alam. Nakakasura! Nakakapanliit na makihalubilo sa kanila pero kailangan ko to. Para maging kapantay ko sila. O mas maganda kung mataas ako sa kanila. At makukuha ko lang lahat ng gusto ko kung hahayaan kong gamitin ako ng mga taong yun. Tiis lang Casper. Darating din yung araw na titingalain ka nila. Itaga mo yan sa baga mo.

Soon!!!




SABRINA POV

Nakakainis.

Inside Of The Gangster World 2; HEAVEN AND HELL Where stories live. Discover now