Chapter 14

886 51 23
                                    


                             Chapter 14


"Oh? Bakit bigla kang natahimik diyan?" ang biglang tanong ni Sky kay Cindy.

Simula kasi noong dumating si Agent Al ay bigla na lang itong naging tahimik. Ngumiti ng matipid sa kanya ang dalaga.

"Ah wala, pagod lang siguro ako. Buong araw kasi akong nagtrabaho." ang pakli ni Cindy.

Pero sa totoo lang ay nag-aalala na naman siya kay Sky. Alam niya kasi kung gaano kadelekado ang nature ng trabaho nito.

"Mukha ka na ngang burn out diyan sa trabaho mo. Teka, gusto mo bang mamasyal sandali?" ang biglang wika ni Sky.

Napakurap si Cindy at natigil sa akmang pagsubo ng pagkain dahil sa kanyang narinig. Hindi siya makapaniwala na sasabihin iyon ni Sky.

"S-Sigurado ka ba diyan? Di ba may trabaho ka?" ang amaze pa niyang tanong.

Isang matipid na ngiti ang namutawi sa labi ni Sky at matamang tumitig sa mukha ng dalaga. Alam niyang nagugulat ito sa kanyang sinabi dahil nitong mga nakaraang araw ay mahigpit siya dito at hindi niya pinapayagang lumabas.

"Mamaya pa naman ang trabaho ko. Isa pa, ilang araw ka na ring nakakulong dito sa bahay. Alam kong nababagot ka na lalo na at medyo mahigpit ako sayo. Total, wala naman akong gagawin ngayong hapon eh bigla kong naisipan na ipasyal ka. Ano, gusto mo ba?"

Isang maluwang na ngiti ang namutawi sa labi ni Cindy. Ang tagal na rin noong huli siyang nakapasyal. At sa tingin niya, kailangan niya ng pansamantalang break mula sa kanyang trabaho. Pagkakataon na rin para kahit paano ay gumaan ang loob niya mula sa stress ng problema.

"Oo naman, gusto kong mamasyal. Saan ba tayo pupunta?" ang excited pa niyang tanong.

"Gusto mo sa hotel?" ang pilyong wika ni Sky.

Dahil doon ay muntik nang mabulunan si Cindy sa kinakain niyang pancit. Kaagad siyang napainom ng tubig at naiinis na tumingin sa lalaki na natawa pa ng mahina.

"Ikaw na lang mamasyal!" ang napairap pa niyang wika.

Natawa si Sky sa naging reaksyon ni Cindy.

"Ikaw naman, di na mabiro. Basta, sorpresa na lang kung saan kita dadalhin. Magmomotor tayo. Kaya tapusin na natin itong pagkain." ang wika na lang niya.

Iyon nga lang ay nagdududang napatingin si Cindy kay Sky. Mabuti sana kung wala siyang alam sa background nito pagdating sa mga babae.

"Hindi kalokohan 'to?" ang naniniguro pa niyang tanong.

Isang pilyong ngiti ang namutawi sa labi ni Sky at saka matiim na tumitig sa kanyang mukha.

"Ikaw? Kung gusto mong haluan ng kalokohan eh walang problema sa akin."

Napadiin ang hawak ni Cindy sa tinidor. Hindi niya malaman kung seryoso ba si Sky sa pinagsasabi nito kanina sa kanya o sadyang wala lang itong magawa kaya siya pinagtritripan. Napabuntung-hininga siya ng marahas.

"Huwag mo nga akong pinagtritripan! Ikaw na nga lang mamasyal na mag-isa. Magtatrabaho na lang ako, mas maigi pa!" ang medyo nainis niyang pakli.

"Uy Cindy! Huwag ka ngang masyadong seryoso diyan, binibiro lang naman kita eh. Totoo, gusto kitang ipasyal ngayong hapon at wala itong halong kalokohan."

Yamot na napatingin si Cindy kay Sky, hindi pa rin nawawala ang pagdududa niya dito.

"Sige na nga. Gusto ko din namang mamasyal. Ayaw ko namang mabulok na lang sa pagtatago." ang wika niya.

Men in Action 13: Sky Heavenly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon