Chapter 16

836 46 16
                                    


                                   Chapter 16



"Sagutin mo ang tawag at huwag kang magkakamali na magsabi." ang mariing babala ni Sky.

Kasunod noon ay lalo niyang idiniin ang hawak niyang baril sa ulo ng lalaki. Kinuha naman ni Guile ang cellphone, sinagot ang tawag. Ini-loud speaker niya iyon at inilapit sa lalaking nakasuot ng red suite.

"H-Hello?" ang takot na wika ng suspect.

"Your fired!" ang wika ng isang lalaki sa kabilang linya.

Pagkatapos noon ay kaagad na nag-end ang tawag.

"Buwisit!" ang bulalas ni Sky.

Kaagad namang idinial ni Guile ang numerong nag-register sa cellphone ng lalaki ngunit hindi na nila iyon matawagan. Nagtiim ang mga bagang ni Sky, matalino nga ang bagong pinuno ng Advance Tech, higit na mas tuso kaysa kay Dr. Keston.

Samantala... Napabuntung-hininga si August matapos niyang sirain ang sim card na ginamit niya upang tawagan ang isa sa mga tagabenta nila ng droga. Hindi ito naging maingat at alam naman nito ang mga patakaran na inilatag niya bago ito sumabak sa trabahong kanyang ibinigay. Nawala ang iniisip niya noong magbukas ang pinto at iniluwa ang isang lalaki na nakasuot ng all black attire. Isa ito sa mga pinakatapat niyang tauhan at ang kakayahan din nito ay hindi matatawaran dahil katulad ito ng mga Men in Action agents. Isa din itong Phantom soldier at wala siyang pinagkaiba dito. Ama niya si Dr. Keston ngunit hindi sila magkadugo dahil isa siyang buhay na eksperimento na itinago nito sa loob ng mahabang panahon. Ayon dito, siya ang nakatakdang papalit sa pamumuno ng Advance Tech sa oras na ito ay mawala. Medyo napaaga nga lang ng kaunti ang pamumuno niya ngunit matagal na siyang naihanda. Napatingin siya sa kanyang tauhan, walang maaaninag na kahit na anong emosyon doon.

"Ano ang trabaho?" ang kaagad na tanong ng bagong dating.

"Itumba mo na ang lalaking ito. Heto ang paunang bayad at may makukuha ka ulit sa oras na matapos mo ang iyong trabaho. Dapat ay malinis at walang bakas kagaya ng dati."

Ipinakita ni August ang larawan ng tauhan niya at kasama doon ang ilang impormasyon tungkol dito. Kaagad iyong kinuha ng kausap niya at tiningnan upang basahin ang mga kailangan nitong malaman.

At mula sa drawer ng kanyang mesa ay kinuha naman ni August ang puting sobre na may lamang pera at kaagad na iniabot sa kanyang tauhan. Kaagad naman nitong kinuha ang sobre at saka tiningnan ang laman. Pagkatapos noon ay mataman itong tumingin sa kanyang mukha.

"Kailan mo gusto na itumba ko ito?" ang tanong ng tauhan niya.

"Sa lalong madaling panahon."

"Naiintindihan ko."

Matapos iyon ay kaagad na itong umalis. Pagkaalis ng lalaki ay nabaling naman ang tingin ni August sa cellphone niya. Napangiti siya ng matipid dahil akala ng babaing agent na si Lily ay hindi niya ito kilala. Hindi nito malalaman ang tunay niyang pangalan at pagkatao. Hanggang sa pangalan lang na August Saldivar ang makukuha nito. Kasunod noon ay kaagad na niyang kinuha ang kanyang cellphone na nakalapag sa mesa at kaagad na nagbigay ng mensahe sa dalaga.

Samantala... Napangiti si Lily at napakagat sa pang-ibaba niyang labi habang nakatitig siya sa mensahe ni August.

"Kinukulit niya akong lumabas... Eh kung pagbigyan ko na kaya?" ang pilya pa niyang wika.

Sa kasalukuyan ay nasa isang restaurant siya, nagmamasid sa isang night club na balitado din sa pagbebenta ng 'Happy pill' drugs. Nawala ang iniisip niya noong nakita niyang dumating ang superior niyang si Sky. Hindi ito nag-iisa dahil kasama nito si Ervine. Dumiretso ang dalawa sa kinaroroonan niya at kaagad na naupo sa kanyang tapat.

Men in Action 13: Sky Heavenly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon