Chapter 2

1.9K 93 5
                                    

                       Chapter 2

Naalimpungatan si Cindy dahil may marahang tumapik sa kanan niyang balikat. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya. Marahan niyang inalis ang suot niyang salamin na anti-radiation at saka siya napakurap. Medyo nanlalabo pa ang paningin niya. Unti-unting luminaw ang mukha ng lalaking kaharap niya.

"Madam, kakain na po ng hapunan?"

Napakurap siya at maang na napatitig sa itsura ni Sky slash Selena. Suot nito ang green apron niya na may desenyo ng dahon-dahon.

"A-Anong hapunan?" ang medyo wala sa huwisyo niyang tanong.

Isang matipid na ngiti ang namutawi sa labi ni Sky. Pasimple niyang tiningnan ang ginagawa ni Cindy sa screen ng computer nito. Isang sexy-lingerie para sa plus-size dahil nakasulat ang bawat detalye doon. Parang hindi siya makapaniwala na ang simple at tila nerdy na babae ay may ganitong klase ng desenyo para sa damit panloob ng mga babae.

"Nakatulog ka, Madam! Alam mo dapat hindi mo masyadong pinapagod ang sarili mo. Nagluto na ako ng makakakain natin. Adobo! Pang international, like me!" pinalandi talaga ni Sky ang pagsasalita saka pinalamya.

Isa namang mahinang tawa ang kumawala kay Cindy, tila na-refresh siya dahil kay Selena. Hinagod niya ang batok at saka napainat-inat.

"Alam mo, Selena... Blessing na dumating ka ngayon sa akin. Hindi ko na yata matandaan kung kailan ulit ako natawa saka sumigla ng ganito. Sana, mapagtiyagaan mo ako ha?"

Hindi niya alam pero bigla siyang nairita nang makita niya na tumitig sa kanya ng mariin ang kaharap niyang vaklush. Kasi naman, kung hindi lang niya alam ang tunay nitong pagkatao... Siguradong nalaglag na sa sahig ang malandi niyang puso.

"Naku, Madam! Huwag ka nang magdrama, gutom lang iyan! Tara na, masarap ang niluto kow!"

Sinave muna ni Cindy ang kanyang ginawa bago niya ishutdown ang mga gamit niya. Muli siyang napainat-inat nang tuluyan siyang mapatayo at saka siya napasunod sa hapag-kainan. Adobong manok ang niluto nitong ulam, maraming inilagay na patatas at carrots. Ipinaghain siya ng kasama at hindi niya maiwasang hindi ma-amaze. Kung nagkataong tunay na lalaki ito, hays! Ano bang iniisip niya eh bading nga as in capital, Badang slash vaklush at lalaki din ang bet?! Iwinala niya ang iniisip at itinuon na lamang ang atensyon sa pagkain. Sa totoo lang, mukhang mapaparami siya ng kain dahil ngayon lang ulit siya nakakain ng matino.

Simula kasi nang iwanan siya ni Tash, cup noodles at biskwit ang naging karamay niya sa kagutuman. At infairness din, mas magaling magluto si Selena kaysa sa dati niyang assistant.

"Madam, kamusta ang luto ko? Masarap?"

Napatango-tango na lang siya dahil panay siya subo ng pagkain, hindi na niya kailangang mahiya dahil sila lang naman. Isa pa, para malaman na nito ang tunay niyang kulay pagdating sa pagkain. Wala siyang kiyeme. Magana din itong kumain kagaya niya, parehas silang mga patay-gutom ngayon.

Nang matapos ang giyera sa pagkain ay kaagad na nagpahinga si Cindy. Kasalukuyan siyang nakatayo ngayon sa may sala, palakad-lakad habang naglilipat ng channel dahil pumipili siya ng mapapanood. Hindi siya kaagad umuupo pagkatapos kumain para hindi lumaki ang kanyang bilbil, lalo na ngayon... Naparami siya ng kain. Pasimple siyang sumilip sa kusina, nakatalikod sa kanya si Selena, naghuhugas ng mga pinagkainan. Napangisi siya nang magawi ang tingin niya sa sexy at matambok nitong puwet. Napatingin siya sa sarili niyang kamay, parang gusto niyang paluin at pisilin ulit iyon. Nase-sexy-han kasi siya. Nang tumingin sa gawi niya si Selena ay pasimple niyang ibinalik ang atensyon sa TV. Nakapili siya ng panonoorin, isang documentary tungkol sa isang serial killer na si Jeffrey Dahmer. Hindi ganoon katapang ang sikmura niya. Mabuti na lang blurred iyong pictures ng mga biktima, pero dahil nai-imagine niya iyong pinaggagawa ng killer sa mga biktima, nilipat na lang niya ng channel. Anime na lang. Samurai Deeper Kyo.

Men in Action 13: Sky Heavenly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon