Chapter 9

2K 80 39
                                    

                              Chapter 9

Isang mahinang-tawa ang kumawala kay Siege matapos niyang marinig ang sinabi ni Sky na lagi daw itong handa.

"Kung ganoon mukhang pinaghahandaan mo ang iyong hostage?" ang sutil niyang wika.

Napakunot-noo si Sky matapos niyang marinig ang salitang hostage mula kay Siege.

"Anong hostage ang sinasabi mo?" ang medyo nayamot niyang wika habang nakatitig sa blue-print.

"Si Miss Cindy ang sinasabi ko, huwag kang magmaang-maangan. Alam naman ng lahat na labag sa kalooban niya na nandiyan siya sa poder mo. Ginamitan mo lang siya ng kung anong manipulation tactics dahil kung tutuusin puwede mo naman siyang ibigay sa protection agency natin. Ang problema lang, natatakot ka na baka ahasin ng iba ang magandang dalaga. Kaya mas gusto mo na ikaw ang nagbabantay sa kanya. Mali ba ako?"

Pasimpleng napatikhim si Sky.

"Mawalang-galang na ah, Siege... Sa palagay ko masyado ng malawak ang iyong imahinasyon. Mas makabubuti kung gagamitin mo iyan sa tama. Maging manunulat ka kaya para mapakinabangang mabuti? Hindi iyong ginagamit mo sa akin."

"Bahala ka nga diyan. Oo na madali kang magkagusto tapos mabilis na magsawa sa isang babae kaya nga ayaw mo sa commitment dahil hindi mo gustung mapasubo. Huwag ka sanang magsisi sa huli dahil tatawagin kitang Tanga. At tungkol sa pagiging manunulat, huwag mong kalimutan na ako ang may akda ng article 143 at napapakinabangan niyo iyong maigi sa mga di inaasahang sitwasyon."

Ipinaypay ni Sky ang hawak na papel.

"Sorry Sir pero kung wala ka nang sasabihin na may kinalaman sa trabaho, bye!"

Ini-end na niya ang tawag dahil sa totoo lang tinamaan siya sa mga pinagsasabi ni Siege. Guilty as charge kumbaga. Takot siyang mapasubo sa isang bagay na pagsisisihan niya sa huli kaya nga maingat siya. Isang malalim na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan at saka muling itinuon ang pansin sa hawak niyang papel.

Samantala... Hindi mapigilan ni Cindy ang mapangiti habang inaayos niya sa maleta ang kanyang mga gamit. Hindi na niya aalisin ang mga iyon doon dahil hindi naman permanente ang pananatili niya sa bahay ni Sky. Hindi siya batang-paslit na ulila para magpaampon. Kung wala lang banta ang buhay niya mas gugustuhin niyang umalis na lang dahil kaya naman niyang buhayin ang sarili. May maayos naman siyang trabaho. Kinuha niya ang may kaliitang sketchpad at saka lapis, kasama na rin ang may kalakihang pambura. Gusto niyang gumawa ng sketch ngunit sa pagkakataong ito ay hindi design ng underwear ang kanyang gagawin kundi mukha ng tao.

Wala lang, gusto lang niyang maglibang. Nag-isip siya ng magiging subject ngunit mukha ni Sky ang nakikita niya. Napailing siya.

"Hindi puwede." ang saway niya sa sarili.

Napakagat siya sa pang-ibabang labi. Bakit ba hindi puwede eh maganda naman talagang gawing subject ang mukha ni Sky dahil guwapo ito? Siya na rin ang nagsabi dati na papasa itong modelo. Bigla tuloy nabuhay ang imahinasyon niya, imagine si Sky rumarampa suot lang ang isang damit panloob?! Sinapo niya ang noo at isang mahinang-tawa ang kumawala sa kanya dahil kung ano-ano ang iniisip niyang katarantaduhan sa lalaki. Bigla nga lang niyang naitikom ang bibig dahil narinig niya ang pagbukas ng pinto. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at saka tumitig a hawak niyang sketchpad. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang si Sky ang dumating.

"Gagawa ka ng bagong design?" ang untag ni Sky sa kanya.

Hindi tumingin si Cindy kay Sky.

"O-Oo." ang maikli niyang sagot.

"Mas maigi iyan para malibang ka. Makalimutan mo ng tuluyan ang masamang nangyari."

Napatango ng bahagya si Cindy ngunit tuluyan siyang napatingin kay Sky dahil nakita niyang isinusuot nito ang hinubad na uniform.

Men in Action 13: Sky Heavenly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon