Chapter 17

878 43 13
                                    

                            Chapter 17



Isang alanganing ngiti ang namutawi sa labi ni Cindy noong tuluyan niyang harapin si Sky. Panay ang buntung-hininga niya, ang lakas kasi ng kabog ng dibdib niya lalo na at nakikita niya si Sky na seryoso ang mukha at nakasuot pa ng uniform. Pakiramdam tuloy niya ay para siyang kriminal na nahuli.

"N-Nandito ka na pala." ang alanganin niyang wika.

Nakita niya na nananatili ang pagkunot ng noo ni Sky habang nakatitig sa kanya kaya naman napalunok siya.

"Saan ka galing?" ang seryoso nitong tanong.

"A-Ahm... Diyan lang sa labas. Napadaan kasi si Gida, nagkuwentuhan kami sandali." ang kinakabahan niyang paliwanag.

Dinig na dinig niya ang pagririgodon ng puso niya dala ng kaba.

"Ah... Ibig pa lang sabihin ay sinuway mo ang inutos ko? Halika, lumapit ka sa akin."

Napakurap si Cindy matapos niyang marinig ang sinabi ni Sky.

"Hindi naman sa ganoon... Teka, bakit kailangan kong lumapit?" na-curious siya sa huli niyang katanungan.

"Basta, lumapit ka!"

Napakislot si Cindy dahil bahagyang lumakas ang boses ni Sky kaya wala na siyang nagawa kundi ang mapalapit dito. Iyon nga lang ay laking gulat niya noong hapitin siya ni Sky sa kanyang baywang kaya bigla siyang napakandong dito.

"S-Sky!" ang bulalas niya.

Iyon nga lang ay lalo lang siya nitong hinapit sa kanyang baywang kaya napahawak siya ng di oras sa dibdib nito at matamang napatitig sa mukha nitong nakangiti.

"Natakot ba kita, huh? Huwag kang mag-alala dahil hindi naman ako nagagalit na lumabas ka. Si Gida kasi ang kasama mo eh. Ligtas ka naman sa kanya dahil kahit ganoon iyon ay marunong siya sa self-defense. Naturuan siya ni Venom na maigi."

Narinig naman ni Cindy ang mga sinabi ni Sky ngunit hindi siya makapagsalita dahil nag-iinit ang buo niyang mukha at tila ba lalabas na ang puso niya sa loob ng kanyang dibdib. Isa pa, ang awkward ng kanilang posisyon dahil nakakandong siya sa kanang-hita nito.

"Cindy... Huwag mo akong titigan ng ganyan. Parang iba na kasi ang naiisip ko eh." ang biglang wika pa ni Sky.

Kasunod noon ay marahan nitong pinisil ang punong-baba niya at saka inilapit ang mukha. Hindi maintindihan ni Cindy pero hindi basta makakilos ang kanyang katawan, marahil ay sobra siyang nagugulat. Hindi naman siya nakadama ng ganito sa ex-boyfriend niya noon. Basta ang alam niya, sobrang intense ng kanyang pakiramdam kapag nakakalapit siya ng husto kay Sky.

"S-Sky..." ang medyo nabulol niyang wika.

"Hmm... Yes?" ang malambing nitong wika.

Mas inilapit ni Sky ang mukha nito sa kanya at wala siyang nagawa kundi ang mapaatras kahit na medyo napapahiga siya. Iyon nga lang, lalo lang nilapit ni Sky ang mukha sa kanya kaya muli siyang napaatras kaya halos mapahiga na siya sa sofa kahit na hawak ni Sky ang baywang niya. Sa katunayan ay para nga siyang ipinapahiga nito doon. Hindi nagtagal ay tuluyang na rin siyang napahiga at nakikita niya ang ngiti ng tagumpay sa labi ni Sky. Bahagya itong dumagan sa kanya.

"Teka Sky, maghunus-dili ka..." ang saway ni Cindy.

Iyon nga lang ay isang mahinang-tawa ang napala niya. Napakislot siya nang ilapit ni Sky ang labi nito sa kaliwa niyang tenga at saka ito nagsalita.

"Cindy... Kahit na sinabi ko sa iyo na hindi ako galit sa ginawa mo eh dapat ka pa ring parusahan dahil sumuway ka pa rin. Ano ba ang magandang parusa para sayo, hmm...?"

Men in Action 13: Sky Heavenly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon