Chapter 5

1.5K 72 20
                                    

                     Chapter 5

Palakad-lakad si Cindy habang tinatawagan niya si Sky. Kanina pa niya ito tinatawagan ngunit hindi sinasagot ang tawag niya. Pagkaalis ni Sky ay kaagad siyang nagpunta sa kuwartong inukupa nito at nagulat siya nang makita ang perang ibinigay niya na nakalapag sa kama. Naiwan kaya nito? Kailangang-kailangan nito ang pera.

"Sky..." ang wika niya.

Ano kaya ang dahilan at ayaw nitong sagutin ang tawag niya? May nangyari kaya? Baka kailangan na nito ng tulong. Napakagat siya sa pang-ibabang labi, sobra siyang nag-aalala dito. Sandali pa lang itong nawawala ay kaagad na niyang namimiss.

Samantala... Kasalukuyang nasa meeting si Sky. Nasa harap nila ang malaking screen kung saan naka-emphasize ang mga pangalang nakalista sa nakuha nilang red book.

"Ngayong alam na natin ang mga kasangkot sa sindikato ng Adcvance Tech Institute, uunti-untiin natin ang gagawin nating infiltration sa kanilang organisasyon. Uunahin natin ang sangay na ito na siyang nagpo-produce ng delekadong droga na laganap ngayon, ang Happy pill." ang wika pa ni Ervine habang nagsasalita.

Itinuro niya ang pangalan ng mga kasangkot na tao doon. Nagpatuloy pa siya sa pagsasalita at inilatag ang mga plano na kanilang gagawin.

Mataman namang nakikinig si Sky. Kanina pa niya nararamdaman ang pagba-vibrate ng kanyang cellphone ngunit hindi niya sinasagot ang tawag. Patuloy lang sa pagsasalita si Ervine hanggang sa makulitan na siya at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napakunot-noo siya nang makita ang pangalan ni Cindy. Napabuntung-hininga siya at saka na pinatay ang kanyang cellphone.

"Uy Sky! Nakikinig ka ba, ha?" ang untag ni Siege.

Medyo nagulat siya kay Siege at napatingin dito.

"Oo naman. Bakit?" ang tanong niya.

Matamang napatitig sina Siege at Ervine sa kanya. Pasimpleng napakamot sa kanyang batok si Sky.

"Uunti-untiin natin ang pag-infiltrate sa mga kasapi ng Advance Tech Institute, uunahin natin ang sangay na gumagawa ng laganap na droga na Happy pill. Magsisimula tayo ng surveilance sa kanilang pagbebenta at pagkatapos noon ay saka natin sila ite-take down. Aalamin natin ang kanilang main headquarters at ang lugar kung saan sila gumagawa ng gamot. Ano, may mali ba?" ang tanong niya sa mga kasama.

Ganoon pa man ay nanatili ang tila nang-uusig na tingin ng mga comrades sa kanya. Medyo nagtaka siya sa inakto ng mga ito.

"Wala namang mali pero nakakapanibago lang. Hindi ka yata madaldal ngayon? Huwag kang mag-alala, mahal naman kita eh. Pakiss nga pare!" ang nakakalokong wika ni Velvet.

Akma itong hahalik sa kanya pero hinarang niya ang labi nito gamit ang kanan niyang palad.

"Walang-hiya ka, Pagpag! Mahiya ka nga sa asawa mo! Ano bang problema niyo sa akin?!" ang medyo napikon niyang tanong.

Isang sutil na tawa ang kumawala kay Velvet at nagsalita naman si Rupture.

"Eh kasi naman Sir Sky, kanina ka pa walang imik simula nang umalis tayo doon sa lugar." tinutukoy ni Rupture ang lugar nila Cindy.

Napangiwi ng bahagya si Sky, ano bang sinasabi ng Junior Agent na 'to?!

"Sky, huwag mong sabihin na tinamaan ka na? Ano-anong violations ang ginawa sayo?" ang untag naman ni Chase.

Gulat na itinuro ni Sky ang sarili, sutil na sumagi sa utak niya ang kalokohang nagawa ni Cindy sa kanya kaninang umaga. Iyon nga lang ay nagpasya siya na hindi aamin!

"A-Ako?! Ginawan ng violation?! Wala ah! Alam niyo namang lahat na bading ang cover ko. Babae din ang tingin sa akin non." ang painosente niyang wika.

Men in Action 13: Sky Heavenly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon