Chapter 12

908 56 27
                                    


                                Chapter 12



"Sir Sky, pauwi ka na?"

Nabitin ang akmang paglalakad ni Sky at saka napatingin kay Archie. Nagtataka siyang napatingin dito. Akala niya ay siya na lang ang naiwan sa headquarters.

"Oo, pauwi na ako." ang maikli niyang sagot.

"Huwag ka na lang umuwi. Umaga na oh! Samahan mo na lang akong mag-almusal sa canteen." ang yaya ni Archie.

"Sa bahay na lang ako mag-aalmusal saka dun na rin ako matutulog. Bakit ba nandito ka pa sa headquarters? Tapos na ang oras ng trabaho."

"Ang dami ko kasing tini-trace na account. May mga tao kasi na nagpapanggap na agent ng Men in Action sa mga dating site. May pinapakitang mga nakaw na picture at pagkatapos, bobolahin iyong mga babae at kapag nakuha ang loob ay saka hihiraman ng pera. Ang dahilan ay hindi ma-access ang bank account nila dahil nasa mission. Medyo madami na ring nabiktima at naglagay na rin ako sa website natin ng babala. Kaya lang mayroon pa ring mga nabibiktima ng mga scammer. Hindi ko alam kung bakit may mga babaing marurupok!" ang mahabang paliwanag ni Archie.

Matamang tiningnan ni Sky si Archie. Halatang puyat din ito kagaya niya at pagod.

"Mas maigi na humingi ka ng tulong sa mga spy natin. Gagawa sila ng account sa dating site, tapos ang gagawin eh kunin din ang loob ng mga fake agents. Makikipagkita sila ng personal at boom! Saka natin huhulihin ang mga lalaking manloloko na iyan. Sinisira nila ang imahe nating mga military men. Wala na ngang ambag sa lipunan, perwisyo pa sa buhay ng iba."

"Sige Sir, makikipag-coordinate ako sa kanila. Hindi lang Men in Action ang ginagamit ng mga ungas eh. Pati na rin iyong mga nasa elite force! Kuu! Humanda sa akin ang mga taong iyon. Pagkatapos iyong ibang babae naman nagpapabola sa mga pekeng pictures eh ninakaw lang naman sa kung saan. Kawawa naman iyong totoong tao na pinagnakawan nila ng larawan."

"Tama ka. Dapat ngang pagtuunan iyan ng pansin dahil nakakasira na iyan sa imahe natin at buhay ng iba. Sige, aalis na ako." ang paalam ni Sky.

Pasimpleng inayos naman ni Archie ang suot niyang salamin. Anti-radiation iyon para hindi masira ang mga mata niya sa pagkakababad sa paggamit ng computer at cellphone.

"Pambihira! Iba na talaga Sir kapag may uuwian ka na sa bahay!" ang hindi napigilang pakli ni Archie.

"Siyempre, inuwi ko na nga eh." ang simpleng sagot ni Sky.

Tinalikuran na niya ang Junior Agent at kaagad na lumakad paalis.

Samantala... Hindi alam ni Cindy kung gaano na siya katagal nakikipagtitigan sa kisame. Mahina ang pakiramdam niya dahil kulang siya sa tulog. Sobra siyang napuyat dahil hindi pa umuuwi si Sky. Aminin man niya o hindi ay nag-aalala siya ng sobra sa lalaki. Kaunti lang ang tulog niya. Nang magising siya ay wala naman siyang gana na bumangon. Matamlay siya kaya heto, nakikipagtitigan na lamang siya sa kisame.

Napakislot siya dahil nakarinig siya ng ugong ng sasakyan. Kaagad siyang napabangon at nagpunta sa may bintana ng silid, pasimple niyang hinawi ang kurtina at napatulala siya nang makita ang sasakyan ni Sky na papasok ng bakuran. Sinapo niya ang bibig at impit na napatili.

"Umuwi na siya!" ang tila bata pa niyang wika.

Kung kanina ay matamlay siya, ngayon ay tila magic na nawala iyon dahil naging masigla na siya kahit kulang siya sa tulog. Natigilan siya sa isiping iyon. Kaagad siyang umalis sa may bintana at saka dumiretso sa full length mirror na nasa tabi ng cabinet. Medyo halata ang eye bags niya at nangingitim ng bahagya ang ilalim ng kanyang mga mata. Napakagat siya sa pang-ibabang labi. Dali-dali siyang nagpunta sa banyo upang maghilamos at saka magsepilyo. Nagsuklay na rin siya ng kanyang buhok na kaagad niyang ipinusod para maayos tingnan. Kaagad na rin siyang bumaba dahil excited na siyang makita si Sky. Buong gabi kaya siyang naghintay! Iyon nga lang ay medyo nag-alangan siya noong pababa na siya ng hagdan.

Men in Action 13: Sky Heavenly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon