Chapter 11

1.9K 77 37
                                    

                                 Chapter 11

Napatulala si Cindy habang nakatitig siya kay Sky. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala sa nangyari. Hinalikan siya ni Sky at siya naman itong si 'Malandi' eh humalik din naman pabalik! Nasapo niya ang labi at hindi malaman kung ano ang gagawin. Akma siyang lalayo kay Sky ngunit kinabig siya nito at niyakap ng mahigpit.

"Huwag kang umiwas sa akin. Wala akong nakakahawa at nakakadiring sakit. Hindi mo ba nagustuhan ang ginawa ko?"

Lalong nag-init ang mukha niya at nanlaki ang mga mata niya sa katanungan ni Sky. Hindi raw nagustuhan eh gumanti nga siya ng halik at halos maubusan nga siya ng hininga?! Daig pa nga niya ang nagpalubog sa tubig.

"H-Hindi naman sa ganoon, k-kuwan kasi... Ahm... Nabigla lang ako." ang mahina at tapat niyang sagot.

Napatitig si Sky sa kanyang mukha at unti-unting sumilay sa labi nito ang isang pilyong ngiti.

"Sinabi ko na sa'yo, wala pang nagreklamo sa halik ko."

Medyo nainis siya sa sinabing iyon ni Sky, bakit ba niya nakalimutan niyang isang notorious na babaero ang lalaking kaharap niya?! Pinagtritripan lang siya nito. Napahinga siya ng marahas. Kumalas siya sa pagkakayakap ni Sky at saka niya ito marahang itinulak. Inirapan pa niya ang lalaki.

"May nasabi ba akong masama? Bakit?" ang nagtataka namang tanong ni Sky.

Ngumiti ng sarkastiko si Cindy kay Sky.

"Wala naman po, Sir Sky. Wala ka namang masamang nasabi. Atleast naging honest ka na inihahalintulad mo ako sa mga babaing nahalikan mo na. Hindi tayo magkatulad na maraming karanasan sa kung sino-sino ngunit masasabi ko na magaling ka ngang humalik at wala akong maiireklamo. Pero utang na loob, huwag mo akong pagtripan at huwag mo akong igaya sa mga babaing dine-date mo. Iba ako sa kanila, hindi ako pampalipas-oras. Kaya utang na loob, lumayo-layo ka sakin. Social-distancing, kuha mo?"

Napatanga si Sky kay Cindy. Gusto niyang iuntog ang ulo sa katangahang nasabi niya.

"Cindy, nagkakamali ka."

Napatango-tango ng bahagya si Cindy.

"Oo nga, nagkamali ako na humalik din ako sayo pabalik. Dapat hindi ako nagpaakit. Sige, diyan ka na!"

Kaagad na lumakad paalis si Cindy, lumabas na siya ng silid. Naiinis siya ng sobra kay Sky. Ano iyon tinesting lang siya kaya hinalikan?! Aminado naman siya na mahirap i-resist ang charms ni Sky ngunit hindi siya katulad ng mga babae nito na puwedeng paglaruan. May damdamin siya at madaling masaling ang puso niya. Nasaktan na siya sa unang lalaking minahal niya at hindi siya papayag na maulit ang katangahang ginawa niya. Nawala ang iniisip niya nang marinig niya ang tawag ni Sky. Napalingon siya sa lalaki at saka niya napagtanto na nakalabas na pala siya ng bakuran at medyo malayo na ang nalalakad. Hindi niya tuloy alam kung saan siya pupunta dahil wala naman siyang alam sa lugar.

Tumingin siya sa paligid ng lugar na kinaroroonan niya, hindi pamilyar. Magaganda ang mga bahay doon. At may nakita siyang ilang tao sa labas. Napalunok siya kasi pamilyar ang kanilang mga mukha. Mga comrades ni Sky at pinagtitinginan siya ng mga ito.

"Cindy, halika na! Umuwi na tayo."

Napakislot siya nang marinig ang boses ni Sky. Napalingon siya sa kanyang likuran at napaatras siya dahil naroon ang lalaki. Bakit hindi man lang niya narinig ang mga yabag nito na parating? Ano ito, may lahing pusa?! Napahinga siya ng marahas.

"Sky, mainit ang ulo ko. Hayaan mo muna ako, puwede? Maglalakad-lakad lang ako. Hindi naman siguro ako mawawala kasi ikaw lang naman ang may bahay dito na puro kulay-green ang pintura."

Men in Action 13: Sky Heavenly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon