Chapter 19

864 42 20
                                    


                                   Chapter 19



Napatigil sa pagtawa ng malakas si Gida nang makita niya na nakatitig sa kanya ang Junior Agent na si Brad. Nananatili itong kahawak sa baril na nasa holster. Kunot-noo itong napatitig sa kanya na tila nagtataka sa kanyang ikinikilos.

"Oh, bakit ganyan ka makatingin? Huwag mong sabihing tinatalaban ka ng aking kagandahan, Brad? Pasensiya ka na, hindi ako pumapatol sa mas bata sa akin eh. Lalo na sa wala pang experience. Mas gusto ko kasi iyong maraming alam!" ang malanding wika ni Gida.

Napaismid si Brad sa sinabi ni Gida.

"Ew!" ang kaagad nitong reaksyon.

Tumayo si Brad sa kinauupuan. Napatanga naman si Gida at medyo na-amaze sa kasama niyang Junior Agent.

"Saan ka pupunta?" ang curious niyang tanong sa Junior agent.

Napainat si Brad bago magsalita.

"Aakyat ako sa itaas at itse-check. Titingnan ko din kung may daga nga kagaya ng sinasabi mo."

"Uy, huwag mo akong iwan! Ayos lang ang lahat doon..." hindi alam ni Gida kung paano niya pipigilan ang binata.

"Na-train kami na huwag laging maging kampante. Sige na."

Hindi malaman ni Gida kung ano ang sasabihin lalo na at tinalikuran na siya ni Brad. Tuluyan na itong pumanhik paitaas at nasapo na lamang niya ang noo at saka napasandal sa kinauupuan.

Samantala... Nang tuluyang nakaakyat si Brad sa ikalawang palapag ay kaagad siyang nagmasid at nakiramdam sa paligid. Wala namang kakaiba. Sabagay, sino nga naman ang maglalakas-loob na pasukin ang bahay ng isang Men in Action agent? Para na rin itong nagpakamatay. Tumuloy lang siya sa paglalakad sa hallway at nang eksaktong makarating siya sa tapat ng guest room ay biglang bumukas ang pinto noon. Iniluwa si Sky, na walang pang-itaas na dami, suot ang isang gray na jogging pants. Ang katawan nito ay may bakas ng kalmot, partikular sa parte ng leeg, balikat at sa tagiliran. Magulo din ang buhok.

Napatanga si Brad sa nakita niyang itsura ng superior. Alam nilang ang guest room ang inuukupang silid ni Miss Cindy. Pagkatapos, naalala niya ang naging reaksyon ni Gida kanina at ang sinabi nito na 'nagkaputukan!'

"Oh Brad, nandito ka na pala?" ang casual na tanong ni Sky.

Tila natauhan si Brad matapos niyang marinig ang boses ng kanyang superior. Isang alanganing ngiti ang namutawi sa kanyang labi, kasunod noon ay napasaludo siya.

"Good evening, Sir! Maaga po akong dumating." ang wika lang niya.

Inagahan talaga niya dahil ayaw niyang maging utusan sa bahay ng ate at kuya niya. Sa katunayan ay malapit nang matapos ang pinapagawa niyang bahay dito sa residence area. Sa oras na matapos iyon, lilipat na siya agad para makabukod at makawala sa kanyang mga amo.

"Ah mabuti. Magbibihis na rin ako at papasok. Bantayan mong maigi si Cindy ah? Kapag may nangyaring masama sa kanya, lagot ka sa akin."

Seryoso si Sky sa huling sinabi at napangiti na lang ng matipid si Brad.

"Huwag kang mag-alala, Sir! Babantayan kong maigi si Miss Cindy. At siya nga pala, nasa baba si Sir Gideon-este! Madam Gida nga pala."

"Ah ganoon ba? Hindi bale, nagbibihis na si Cindy. Bababa na rin naman siya. Sige ah, magbibihis na ako." ang paalam ni Sky.

"S-Sige po, Sir." ang alanganing wika ni Brad.

Hindi niya ipinahalata pero nawiwindang siya sa sinabi ni Sky na nagbibihis na si Cindy. Nang tumalikod si Sky ay napakurap siya dahil ang daming bakas ng kalmot sa likod nito at mahahaba pa... Sa parte na malapit sa balikat, kitang-kita ang pinagbakatan ng bumaon na mga kuko. Hanggang sa mawala sa paningin niya si Sky ay nananatili siyang nakatanga. Sa huli, napakamot na lang sa kanyang ulo si Brad.

Men in Action 13: Sky Heavenly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon