Chapter 10

1.8K 72 35
                                    

                      Chapter 10

"A-Anong ginagawa mo dito?" ang nagulat na tanong ni Cindy kay Sky.

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Sky habang nakatitig siya sa dalaga.

"Im sorry..." ang mahina niyang wika.

Bahagya namang umiwas ng tingin si Cindy kay Sky, ang lakas ng kabog ng puso niya. Hindi niya maintindihan kung bakit nagsosorry sa kanya si Sky. Dahil ba sa pambababae nito? Pero bakit?

"Ahm.. Bakit ka nagsosorry? Personal na bagay iyon, wala naman akong kinalaman. Wala lang iyon."

Pinilit maging casual ni Cindy at saka siya ngumiti. Napaka-awkward ng ambeance sa kanilang pagitan, ang weird!

"Ano bang sinasabi mo na personal na bagay?" ang bigla namang tanong ni Sky.

Sa totoo lang, naguluhan siya sa sinasabi ni Cindy.

"Para saan ba ang pagsosorry mo? Tungkol ba sa lakad mo k-kanina? Iyong nambabae ka?" medyo nauutal si Cindy.

Sa totoo lang, kinapalan na lang niya ang mukha para magtanong. Kasi nga, bakit magsosorry sa kanya si Sky sa isang personal na bagay eh wala naman siya dito? Lihim niyang ikinuyom ang kanang-kamay, pinanggigigilan niya ang kumot. Kasi naman! Tuwing mag-iisip siya ng ganoong bagay eh kumikirot ang dibdib niya, nasasaktan siya. Lamang, tinitiis niya kasi unang-una ay wala naman siyang karapatan. Pangalawa, hindi niya puwedeng mahalin si Sky dahil magdadala lang siya ng gulo sa buhay nito. Anak siya ng isang kriminal. Hindi puwede!

Napakamot naman sa kanyang batok si Sky at nahihiyang napangiti. Hindi niya mapigilang matuwa dahil mukhang nagseselos yata si Cindy at malaki sa bahagi ng pagkatao niya ang natutuwa sa bagay na iyon. Bahagya siyang napailing bago magsalita.

"Naku, hindi ang tungkol sa bagay na iyon! Nagsosorry ako kasi alam kong mali ang inasal ko kagabi. Pasensiya ka na, pagod lang siguro ako. Dapat naman kasi, hiningi ko ang iyong opinyon bago ako gumawa ng desisyon. Nasanay lang naman kasi ako na kapag nagdala ng babae eh dapat nasa kama ko. Pero sa totoo lang, ikaw pa lang naman ang babaing dinala at ipinahiga sa kama ko dito sa bahay. Virgin pa ang kama na iyon, you know... Walang karanasan!" halatang nakakaloko ang huling sinabi ni Sky.

Nanlaki ang mga mata ni Cindy sa kanyang mga narinig. Sari-saring emosyon ang kanyang naramdaman. Unang-una ay dahil medyo napahiya siya. Nag-assume siya ng maling bagay. Bakit nga naman magsosorry sa kanya si Sky tungkol sa pambababae nito eh wala naman silang relasyon?! Pangalawa, nanggigigil siya dahil kapag nagdadala daw ito ng babae ay deretso sa kama?! So ibig sabihin ay may dinala itong babae kanina at dumiretso sila sa kama?! Napahinga siya ng malalim, namimilipit ang puso niya sa loob ng kanyang dibdib. At pangatlo, medyo natuwa siya sa sinabi nito na siya palang ang babaing dinala ni Sky dito. Nagmukha pa ngang privilige na siya ang kauna-unahang babaing nakahiga sa virgin daw nitong kama. Siyempre sa panghuli, matinding pagkailang ang kanyang nararamdaman... Bakit kailangan pa nitong sabihin sa kanya na virgin ang kama na iyon at walang karanasan?! Gusto niyang sumigaw at sabihing, 'pareho lang kaming virgin!' Pero sinarili na lamang niya dahil naghahalo-halo na ang kanyang nararamdaman.

Nawala naman ang ngiti sa labi ni Sky nang makita niya na tahimik lang si Cindy, nakayuko at halatang malalim ang iniisip. Hindi niya alam pero may mali yata siyang nasabi? Sinubukan lang naman niyang magbiro para gumaan ang ambeance sa kanilang pagitan ngunit mukhang nagkamali siya.

"Ayos ka lang ba?" ang untag niya sa dalaga.

Bahagya namang napakislot si Cindy ng marinig niya ang boses ng lalaki. Marahan siyang tumingin dito at saka ngumiti. Hindi niya akalain na magagamit niya ang kakayahang umarte sa pagkakataong ito.

Men in Action 13: Sky Heavenly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon