Part 9

2.2K 95 14
                                    

Mahirap talagang maging pogi. Hectic ang schedule. Di ako nakapasok noong Lunes dahil ang sama ng pakiramdam ko kaya pumunta ko sa isang pribadong ospital sa Pasig noong Martes para magpacheck-up at kumuha ng medical certificate. Ang bagal ng elevator nila. Ang tagal ko ring hinintay yung order kong footlong sa cafeteria.10:45 am kasi ako dumating sa ospital. Sabi ng sekretarya ng doktor, 11 am pa raw darating si Doc kaya sumaglit muna ko sa cafeteria para kumain. Natomguts ako eh. Ang bagal nga kasi ng elevator.  Naghagdan na nga lang ako pabalik eh. Baka kasi napagod na yung elevator kaya mabagal na. Ang masaklap pa, mahigit tatlong oras akong naghintay sa doktor. Parang di private. Pakiramdam ko, magkakasakit ako lalo sa ospital na 'yun. Walang kabuhay-buhay yung footlong na inorder ko. Di man lang ininit yung tinapay. Pati yung hot dog nanlamig na. Di pa ata nakamove-on sa Ampalaya Festival. Pero kahit badtrip, may mga dahilan pa rin para maging masaya. Natawa talaga ko kasi parang ako yung bida sa isang horror movie. Najijingle bell rock na kasi ako kaya pumunta kong cr. Malapit yung cr sa exit. Ang dim talaga ng ilaw. Malabo yung paligid at ang kapogian ko lang ang malinaw. Habang jumijingle, biglang nagpatay-sindi yung ilaw. Ako lang mag-isa sa cr. Hindi naman umurong yung ihi ko, mas naihi pa nga ko eh. Ang pogi ng bida. 

---

Sa KFC (with Alex & Kenn)

Crew: Ano pong drinks nila?

Kenn: Coke Zero din sakin.

Alex: Parang lovelife mo lang Kenn yung inumin mo.

Kenn: Bakit?

Alex: Zero!

Broom walis! 

---

Bibigyan ako ni Yow ng isang kahong condom dahil tinulungan ko siya sa pagreresearch ng IV therapy, hypertonicity, hypotonicity, isotonicity, venipuncture sites at IV infusion. Buti na lang may Google. 

Pulutan Pa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon