Part 30

610 32 13
                                    

Pumunta kami nina Derl, Dho at pinsan kong si Abby sa bahay nila Yowen sa Caloocan para magcelebrate ng birthday niya. Sumaglit kami ni Abby sa 2358 para bumili ng pasalubong kanila Derl. Iyon kasi yung unang store na nakita namin na pwedeng bilhan ng regalo. Bumili ako ng tatlong ballpen. Pareho yung design (owl) para kanila Derl at Yow, magkaiba lang ng kulay - blue para kay Yow at orange naman para kay Derl.

Kausap sa phone ni Derl si Yow habang nasa van kami papuntang Caloocan. Nagpaparinig si Dho ng extra rice. "Kaya di ka nagkakaboyfriend eh," sabi ni Yow.

Pagkababa namin ng van, pumunta muna kaming 7-11 kasi nauuhaw na ko. Nakita ko yung poster ng Magnum Infinity tapos naalala ko yung Fb status ko na "Buti pa yung Magnum may infinity, tayo wala." Bumili ako ng Powerade. Nakakatawa nga kasi yung kulay ng Powerade parang sila Yow (Blue Ranger) at Derl (Orange Ranger).

Sobrang cute ng baby boy na pamangkin ni Yow. Five months pa lang siya pero ang lusog at ang laki niya. Kinalong siya nina Derl at Dho pero di ako nainggit sa ginawa nilang pagkalong sa baby dahil ayokong mabali buto ko. Hahaha! Joke lang. Masaya na ko na makita siyang nakangiti at tumatawa.

Noong Sabado ko nga lang nalaman yung kantang "Tatlong Bibe". Hindi kasi ako nakapag-Fb noong nakaraang linggo. Bihira na kasi akong mag-online pero alam ko yung "Joga joga ng buhay mo" at pinanood pa ulit namin 'yun. Hehe.

Galing pa kong trabaho pero gising na gising pa rin yung diwa ko. Pinagtimpla pa ko ng kape ni Dho.

Nagpost si Dho gamit yung account ni Yow - ang gwapo ko today. Natawa talaga ko sa comment ng isa niyang kaibigan - bawal na po drugs kay Duterte.

Hindi kami nag-overnight kasi may importanteng lakad si Derl kinabukasan. Masaya kahit sandali lang ulit kaming nagkasama-sama. Bago umuwi, kumain muna kami sa bagong bukas na Jollibee sa Puregold. Kinabukasan, bumili ako ng isang bucket ng chicken sa KFC. Nag-aadik ako sa manok.

Pulutan Pa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon