Part 43

81 8 14
                                    

Muli na namang nagsama-sama ang Rangers noong 11/10/2019. Pumunta kami nina Yowen, Pedro, Leene, Dho, at ang pinsan ni Dho na si Abby na mukhang barbie dahil blondie sa Natural Museum of Natural History sa Manila. Balak sana naming puntahan lahat ng museo doon pero naging tanghali yung dapat na alas-otso ng umaga.

Papunta pa lang doon ay puro kalokohan na kami. Habang nasa bus papuntang Monumento Station ng LRT, tinanong ko si Dho kung tourism ba ang kurso ng isa naming ka-Ranger na si Juls. Sa pinakadulo kami ng bus nakaupo. Tinanong ni Dho si Leene dahil hindi niya rin alam ang sagot. At dahil very good si Leene, tinanong niya rin ang tanong ko kay Pedro na nagtanong din kay Yowen. At dahil pinakavery good si Yowen, tinanong niya yung katabi niyang hindi namin kilala na nakaupo sa pinakasulok kung tourism ba ang kurso ni Juls.

Bisitahin na lang po ninyo ang aming Wattpad account na @PowerRangerWP for more info sa aming mga Rangers.

Pagkatapos mamasyal sa museo, pumunta rin kaming Planetarium, at naglatag sa Luneta. Bumili kami ng panapin sa ale. P50 tatlong piraso. Sabaw na sabaw talaga si Leene kasi tinanong pa kami kung sa amin na raw ba iyong binili naming panlatag. Ang sarap barilin ng pellet gun.

Tamang food trip habang nagkakape, nagkukwentuhan at nagmamasid sa kapaligiran. 

Mawawala ba ang inuman? NagLRT ulit kami pabalik dahil tatagay pa kami sa Caloocan, sa bahay nina Yowen. Habang nasa tren, pumara ba naman si Leene. Itinakwil nga namin siya bilang tropa noong sandaling iyon. Nagtawanan talaga yung mga tao. Hindi ko akalaing makakarinig ako ng taong pumapara sa LRT. Ang masaklap, tropa ko pa.

May natira pa kaming Alfonso noong 10/13/19. Oh ayan, may petsa na para alam natin yung pagitan ng mga tagay nating mga hayop kayo.

Bumili na lang kami ng gin at juice, pero hindi rin namin nainom. Actually, bumibili na talaga kami in advance ng lalaklakin namin. Bumili rin kami ng sisig.

"Special po ba?" tanong ni kuyang nagbebenta ng sisig.

"Oo, kahit sa sisig man lang maging special," sagot ko.

Dahil nabanggit ko na rin naman na tumagay kami noong nakaraang buwan, ikukwento ko na rin yung mga kasabawan namin noong araw na iyon.

Nagmilk tea muna kami sa may Trinoma bago pumuntang Caloocan. Pota, sabi ba naman ni Leene lasang tsaa raw yung milk tea. Eto pa, pinakita ko yung picture ni lola sa labas ng isang resto sa Maine, US. Tinanong ba naman ako kung totoo yung higanteng lobster na display sa taas ng resto. Buti na lang mahaba... ang aking pasensiya.

Si Japs dapat yung maghuhugas ng pinggan kasi siya yung natalo sa bato- bato pick noong nakaraang inuman, pero dahil hindi siya nakasama ako na ang nagvolunteer. Ilang beses na rin naman akong natulog kanila pareng Yow. At tinuruan ko silang maghugas ng pinggan sa disenteng paraan.

Balik na tayo sa gabi ng pagtagay nitong nakaraang Linggo...

Naidlip ako sa inuman dahil halos 30 hours na 'kong gising. Kailangan ding magpahinga kapag napapagod na tayo. Hindi mo kailangang ipagpilitan na malakas ka.

Nilagyan ko rin ng yelo iyong malaking pasang nakuha ko dahil sa katangahan. Ni minsan, hindi ko nilagyan ng yelo ang mga pasa ko, pero naisip ko rin na kailangan mo ring gamutin ang sakit para kahit papaano'y gumaling ito.

Nagkaroon na ulit ako ng lakas matapos ang pag-idlip. Biglaan kaming (ako, Pedro & Yow) nagcover ng "Sana All May Jowa." May pagbahing pa nga pagkatapos ng "Ha ha hotdog na lang sa inyo." Search ninyo sa YouTube yung kanta kung hindi pa ninyo naririnig. Ang pogi ng boses ni Pedro. Si Yow naman gigil na gigil sa pagkanta. Pag lasing lang ako kumakanta, pero kahit hindi pa 'ko lasing noong sandaling iyon, kumanta na rin ako para sa mga tropa.

More inuman to come!


PS: Bakit walang condom story rito?

Pulutan Pa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon