Part 6

2.6K 97 13
                                    

Pumunta kami ni Enzo sa Dampa sa Jenny's. Nagpaluto ako ng sugpo at alimango. Kinakalabit ko yung alimango. Hindi niya naman ako masisipit dahil nakatali yung sipit niya kaya malakas ang loob kong mangulit.  Naglaro muna kami saglit ng alimango bago siya kunin at lutuin ni Ate. 

Namilog yung mata ko pagkalapag ng Garlic butter shrimp sa mesa, dagdagan pa ng Chili garlic crab. Heaven. Mangiyak-ngiyak ako sa sarap. Mangiyak-ngiyak din ako pagkabill-out. 

"Hayaan mo na. Masarap naman," sabi ni Enzo pagkalabas namin. 

◙ ◙ ◙

Sa Greenwich...

Busog na ko dahil sa pizza at lasagna kaya humingi ako ng plastic cup kay Kuyang Crew para isalin yung pearl cooler ko. Hindi ako makahigop dahil nagbabara yung pearl. Pangsoft drink lang kasi yung butas ng plastic cup. Tinanggal ko yung takip at medyo sinira yung butas para lumaki. At nagkasya na nga yung straw ng pearl cooler sa baso. Minsan sa buhay, may mga bagay na nasisira para sa mas magandang dahilan. May pinaghuhugutan. Binunot ko na yung saksakan ng water heater, kumukulo na kasi.  

Pulutan Pa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon