Part 14

1.5K 80 5
                                    

Naglunch kami ng mga kaklase ko sa isang kainan malapit sa Metrowalk. Pagkatapos kumain, sinabi ni Ron na manlilibre siya ng banana split. 

"Split lang maililibre ko sa inyo," sabi ko. 

"Sakin banana," sabi naman ni Drew habang nakangiti.

Pag kaming magtotropa talaga ang magkakasama, ang laswa. Sa Ministop na lang kami nagpalibre para kinse pesos lang. Kumain ako ng ice cream habang nakatingin sa billboard ni Jessy Mendiola. Ang sarap... ng ice cream.

Napag-usapan namin yung isa naming kaklase na itago na lang natin sa pangalang Nina. Gusto niya raw kasing mag-bungee jumping. Sabi ko sa kanila, tulak na lang namin siya sa building. Hahaha! Pero siyempre, biro lang 'yun. Naghahanap lang kami ng dahilan para maging masaya.  

***

Sa doMc...

Lumapit yung crew sa table namin ni Enzo sabay tanong kung sa kanya ba yung fries. "Hindi," sagot niya. Umikot-ikot si Kuya at nagpatuloy sa paghahanap sa customer na umorder nun. 

"Matabang naka-black na T-shirt yung umorder nyan," sabi ko kay Enzo.

Maya-maya pa, lumapit si Kuya sa isang table na di kalayuan samin. Sa isang matabang batang naka-itim na T-shirt nga yung fries! Para siyang mini-version ni Enzo. Pota. Para silang magkapatid. Hahaha! 

Pulutan Pa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon