Part 13

2K 78 9
                                    

Nagutom ako dahil sa mahigit isang oras na biyahe kaya dumiretso ako sa isang kainan sa SM Fairview para umorder ng ramen. Dumating si Yowen pagkatapos ng ilang minuto. Umorder naman siya ng mango float at 'yung mango lang talaga yung kinain niya. Nakakatuksong tingnan pero di naman kasarapan. Pagkatapos kumain, pumunta kaming National Book Store at doon namin hinintay yung iba naming ka-Ranger na sina Derl at Ann. Habang naghihintay, tumitingin kami ng libro. Merong isang makapal na libro na medyo sira 'yung gilid pero P100 lang. Sinabihan ko si Yow na kunin niya na kasi kaunting ayos lang naman 'yung kailangan ng libro. Maya-maya, dumating na si Ann at yung apat niyang kasama. Narinig ko na may "lalaking" kumakausap kay Yow. Tinanong siya kung ano daw ba yung mas ok na edition ng libro, kung yung luma o yung bago. Dumating na rin si Derl. Patuloy kami sa pagtingin ng libro. Bumili si Yowen ng apat na malalaki at makakapal na libro pero di niya nabili yung unang librong nagustuhan niya dahil nabili na ng "lalaking" kausap niya kanina. Buti na lang at apat yung kasama ni Ann. Sila 'yung pinagbitbit namin ng libro. Haha!

Sa jeep papuntang Bayan, umurong ako para makatabi ni Derl si Yowen pero may umupong babae sa gitna nilang dalawa. "Wala talagang forever!" sabi ni Derl.

Epic talaga pag magkakasama kami pero mas epic yung monopod ko. Niyabang ko pa sa kanila na dala ko yung monopod ko. Magpipicture na dapat kami pero...

"S... y... e... t...." sabi ko. 'Yung handle lang kasi nadala ko, naiwan ko 'yung pang-clip sa phone. Tangna lang. Paasa yung monopod. Parang yung pagpapaasa sakin ni Yowen na bibigyan niya ko ng isang kahon na condom dahil tinulungan ko siyang magresearch. 

Buti na lang dala ko yung digicam ko. Medyo nakabawas sa kahihiyan. Hahaha!

Pulutan Pa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon