Part 4

3.2K 109 20
                                    

◙ Yung akala ko sinuklian ako ng token, bagong pera pala

◙ Habang naglalakad sa Ortigas kasama ang mga tropa ko, nakasalubong namin yung isang crew ng McDo na namimigay ng coupons (Meals of Fortune).  Humingi na ko ng medyo marami para matulungan si Ate na maubos agad yung coupons at syempre, libre naman. Apat yung binigay niya sakin. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Maya-maya, may nakita ulit kaming crew na namimigay ng coupons. Patay malisya kami. Lumapit si Ate samin. "Ano 'yan Miss?" tanong ni Alex. Pa-inosente ang loko. At nadagdagan ang Meals of Fortune coupons ko.

◙ Juls: Hello mel :) kamusta na po? [Jan. 10, 2015 / 7:12 pm]

Ako: Hi Juls! Kamusta? [Jan. 11, 2015 / 12:02 pm]

Juls: Hello mel! ^_^ medyo busy na po sa school. Ikaw? :)  [Jan. 11, 2015 / 12:48 pm]

Ako: Busy din Juls haha. Ang bilis ko magreply wahahaha [Jan. 12, 2015 / 11:55 am]

Juls: Isang araw po bago makareply. [Jan 12, 2015 / 12:00 pm]

Bukas ulit ako magtetext. Joke lang.

◙ Habang kumakain ng sinigang na hipon sa foodcourt...

Ako: Kain nang kain, payat!

Enzo: Ako baboy. Siya balyena. (Sabay turo sa matabang babae na dumaan)

Nandamay pa.

◙ Pumunta si Enzo sa burol ng tatay ng katrabaho niya sa Sta. Mesa Heights (QC). Sinabi niya sakin na ang sarap daw ng mani na niluto sa buhangin at P200 daw ang isang kilo nun. 

Ako: Dapat...

Agad nyang pinutol ang pagsasalita ko. 

Enzo: Bawal magtake-out sa patay!

Syet. Oo nga pala. 

Pulutan Pa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon