Part 36

303 24 3
                                    

January 18 pa lang pero anim na beses na kong uminom ngayong taon. E di wow. Nasa Flare (Metrowalk) ako kagabi pero kape lang ang ininom ko. Ang sarap ngang humigop ng kape at kumain ng shrimp pineapple curry habang nakatitig kay Franz ng Mocha Girls. Nasa Flare sila kagabi.

***

Hindi namin alam kung saan kami kakain nina Selio at Ely after ng shift kaya naglakad-lakad kami. Malapit na kami sa Richmonde nang maisip naming mag-Eastwood na lang, pero sa Mandaluyong kami napadpad. Lumamon at tumagay kami sa R & J Bulalohan. Sulit na sulit nga yung P900 kasi meron na kaming bulalo, apat na rice (pero umorder pa kami ng extra rice), hito, adobong manok, kangkong, halabos na hipon, iced tea, at ALAK!

***

Gumala ako sa Antipolo last week. Nagfoodtrip ako sa Cake Draft Cafe. Bumili rin ako ng kalamay at espasol malapit sa simbahan bago umuwi. Halos isang dangkal yung haba ng espasol pero pag binuksan mo na yung papel, 3 inches lang talaga yung haba niya. Nalinlang ako ng espasol,  pota hahaha

Pulutan Pa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon