Part 25

1.1K 53 18
                                    

Natuwa ako dahil binigyan ako ng payong ni Enzo. Natuwa talaga ko kasi plain green yung payong at may tatak lang ng company kung saan siya nagtatrabaho pero...

"Nagkakabulaklak 'yan pag nababasa," sabi niya.

Binasa ko yung payong para malaman kung nagkakabulaklak nga. Syeeet. Kaya pala ayaw niya sa payong na 'yun.

***

Birthday ng tropa kong si Rod noong Sabado kaya pumunta kami ni Ara (Gf niya) sa bahay nila sa Sta. Rosa, Laguna. Pagkadating sa kanila, nanghiram ako ng magazines. Gravure ni Jinri Park talaga yung unang-unang inabot niya sakin. Tapos nasundan ng dalawang Pulp Magazines. Pero nauna talaga yung "The Jinri Experience" eh. Nanood kami ng Aldub bago pumunta sa farm nila sa Calamba. At dahil kumain si Yaya Dub ng isaw, bumili rin kami ng isaw at kalamares. Bumili rin kami ubas at ponkan.

Sa farm...

Kukunan ko sana ng larawan yung mga baka nang maglakad sila sa kalsada pero mali talaga yung pwesto ko kasi nakaharap yung mga pw*t nila sa camera at naglalakad sila papalayo sakin. Ang pangit naman kung kukunan ko 'yun. Ayokong sundan sila para lang kunan ng larawan. Mahiyain kasi sila eh. Alam ko kasi tropa ko sila. Joke lang.

P-in-icturan ko yung mga damo sa farm. May mga taong ayaw sa damo. Pero pag nakita mo yung halaga ng mga bagay na ayaw ng iba, makakaramdam ka ng kakaibang saya.

***

Pumunta kaming Megamall nila Mama noong Linggo.

Pagkatapos kumain sa Gotti's...

"Mabilis ka bang tumakbo?" tanong ko sa bunso kong kapatid.

Gasgas na yung tanong na 'yun pero nakakatuwa pa rin pag tinanong mo.


"MAS MAGANDA pa yung drawing mo doon," sabi ni Mama nang mapadaan kami sa isang art gallery.

"Oo naman," utu-uto kong sagot.

"Yung drawing mo sa album mo."

Booom!

Nag-iba yung mukha ko. Noong bata pa kasi ako, nagdrawing ako sa album ko. Mukhang ewan pero di binura ni Mama kaya pwedeng pagtawanan ngayon. Pero children's art 'yun ah! Hahaha!

Dahil ber month na, maraming tindang Christmas decor sa department store. Nakwento tuloy ni Mama kung paano ko hinihila yung mga bumbilya sa Christmas lights namin dati. Buti raw di ako nakukuryente.


KAY MAMA ko siguro namana yung pagkahilig ko sa kape. Ang tagal din naming nag-ikot-ikot para maghanap ng makakapehan pero laging walang space. Buti na lang sa Krispy Kreme hindi kaya doon na lang kami tumagay, este nagkape. Kinuhaan kami ng dalawang pictures ng bunso kong kapatid. Pagtingin ko sa unang picture, nakapikit si Mama. Sa pangalawa namang picture, papikit na ko. Pero di ko binura at walang ulit-ulit. Ang astig kaya! Hahaha!


Pulutan Pa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon